GMA Logo RitKen
What's Hot

RitKen, excited na sumabak sa 2021 Metro Manila Film Festival

By Aedrianne Acar
Published November 23, 2021 7:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Allen Liwag motivated by surprise Gilas Pilipinas call-up, to join SEA Games after Benilde run
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

RitKen


Ano ang mga dapat abangan sa pelikula nina Rita Daniela at Ken Chan na kalahok sa 2021 MMFF?

Level up ang Kapuso tandem nina Ken Chan at Rita Daniela, matapos makapasok ang pelikula nila na Huling Ulan sa Tag-Araw sa 2021 Metro Manila Film Festival.

Dinirehe ng kilalang film at TV director na si Louie Ignacio at produced ng Heaven's Best Entertainment, isa ang pelikula ng binansagan na RiTKen sa magic eight na movies sa film festival.

Sa panayam kay Rita Daniela ng 24 Oras, ibinahagi niya ang nangyari nang malaman nila nakapasok ang Huling Ulan sa Tag-Araw.

Kuwento ng Kapuso singer kay Lhar Santiago, “Sobrang nagsisigaw kami doon sa loob ng studio talaga ng GMA, kasi siyempre ang sarap sa feeling at nakikita namin 'yung pangalan namin dalawa ni Ken nandun sa malaking screen. Tapos lalo pa Kuya [Lhar] nung nakita namin 'yung lineup - The Magic Eight na tinatawag nila.”

Source: 24 Oras (YouTube)

Agaw-pansin din ang pagpapalit ng wig ng karakter ni Rita na dapat daw abangan ng moviegoers ayon kay Ken Chan.

Paliwanag ng Kapuso actor, “Ang daming nagtatanong kung bakit iba-iba 'yung wig ni Rita dito, 'yung buhok niya may mga eksena na color pink, minsan color violet, minsan white, minsan yellow. So, 'yun ang abangan n'yo.”

Ilan pa sa mga pelikula na mapapanood sa 2021 MMFF ay ang sumusunod: A Hard Day, Big Night, Huwag Kang Lalabas, Kung Maupay Man It Panahon, Love At First Stream, Nelia, at The Exorsis.

Balikan ang ilan sa memorable roles ni Ken Chan sa video below!