GMA Logo River Joseph
Photo by: riverjoseph IG
What's Hot

River Joseph, inaming nagulat sa suporta ng fans sa 'PBB Celebrity Collab Edition'

By Kristine Kang
Published October 13, 2025 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nigerian government secures release of 100 kidnapped schoolchildren, Channels TV says
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

River Joseph


Binalikan ni River Joseph ang kanyang PBB experience at suporta ng kanyang fans.

Ilang buwan na ang lumipas, pero hindi pa rin makalimutan ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition stars ang mga karanasang nagbago sa kanilang buhay sa loob ng Bahay ni Kuya.

Isa na rito ang 4th Big Placer na si River Joseph, na patuloy ang pasasalamat sa hindi malilimutang oportunidad na ibinigay ng programa.

Mula sa loob ng bahay hanggang sa paglabas, ramdam ni River ang pagmamahal ng fans na sumuporta sa kanya sa bawat pagsubok.

Dahil sa kanyang cute at bubbly personality, tinagurian pa siya ng netizens bilang may “golden retriever energy.”

"Nagulat din ako paglabas ko, 'yon na tawag sa akin, Golden retriever," kwento ni River sa kulitan niya kay Ryan Bang.

Isa rin sa hindi malilimutan ng PBB star ay ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanya sa outside world.

"Nagulat talaga ako paglabas na wow ang daming nanuod sa PBB, ang daming sumusuporta," aniya.

Bukod sa kanyang PBB journey, ibinahagi rin ni River ang tungkol sa kanyang buhay bago ang showbiz. Mula sa kanyang pagtatapos sa kursong business management hanggang sa pagiging artista, labis ang pasasalamat ng Kapamilya actor sa lahat ng kanyang blessings.

Masayang binalikan din nila ni Ryan Bang ang kanilang fun memories bilang magkaibigan.


Noong Season 1, pumasok si River sa Big 4 kasama ang kanyang Kapuso duo na si AZ Martinez.

Katulad ng iba pang PBB stars, naging abala ang Kapamilya actor sa mga bagong proyekto at shows.

Makakasama niya muli ang iba pang housemates sa bagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88.

Kilalanin si River Joseph sa gallery na ito: