GMA Logo River Joseph, Xyriel Manabat
Courtesy: riverjoseph (IG), xyrielmanabat_ (IG)
What's Hot

River Joseph, nais ipalit ang sarili sa nominasyon sa PBB para i-save si Xyriel Manabat

By EJ Chua
Published May 7, 2025 2:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

River Joseph, Xyriel Manabat


Pumayag kaya si Big Brother sa hiling ni River Joseph para kay Xyriel Manabat? Alamin dito.

Marami ang nagulat sa ginawa ni River Joseph matapos ipasilip ang mga kaganapan sa ikaapat na nomination night sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Dahil sa naramdamang lungkot sa pagkakabilang ni Xyriel Manabat sa nominasyon, pumasok si
River sa confession room at nakiusap kay Big Brother.


Seryosong sinabi ng Kapamilya housemate kay Kuya ang mabigat na kahilingan niya para mailigtas si Xyriel sa nalalapit na ikaapat na eviction night.

“Hindi ko alam kung possible pero magtatanong sana ako kung possible ba na i-trade ko 'yung spot ko kay Xyriel [Manabat] sa nomination. Kapamilya for Kapamilya,” pahayag niya.

Ikinagulat ito ni Big Brother at napatanong siya sa Star Magic artist kung bakit gusto niyang gawin ito.

Paliwanag ni River, “Kuya, ang sakit lang makita na she's on the line for eviction. She's only been here for three weeks. I know she has a lot pa to prove. She has so many reasons why she's here, siyempre for family.”

“I don't want her to be in this position, close to leaving. Alam ko sobrang lakas ni Xyriel, kaya niya 'to but I'd rather sacrifice myself for her,” dagdag pa niya.

Kasunod nito, sinagot ni River kung bakit sa dami ng housemates ay si Xyriel ang naisip niyang isalba mula sa nominasyon.

Sabi niya, “She's like a little sister I never had ako kasi 'yung bunso. Ako rin 'yung tinuturing niyang Kuya dito sa bahay.”

Sa pagtatapos ng pag-uusap nina River at Big Brother, maayos na ipinaliwanag ng huli na hindi niya pinapayagan ang hiling ng housemate dahil ang nominasyon ay parte upang masubukan ang tapang at katatagan ng loob ng housemates.

Para naman kay River, lubos niyang naiintindihan ang naging desisyon ni Kuya patungkol dito.

Samantala, ang ka-duo ni Xyriel na nominado rin ay ang Kapuso star na si Dustin Yu.

Isa ka ba sa fans nina Xyriel at Dustin?

Maaari mong iligtas ang duo na XyDust mula sa nalalapit na eviction night.

Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong celebrity duo.

Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya.

Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.