
Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang buhay ni Doc Analyn (Jillian Ward) GMA's top-rating medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa previous episodes ng serye, napanood na nalaman na ni Doc Analyn at ng kanyang ama na si Doc RJ (Richard Yap) ang ilan sa mga kasamaan ni Moira (Pinky Amador).
Dahil dito, pinalayas ni Doc RJ si Moira sa kanilang bahay, kaya naman si Zoey (Kazel Kinouchi) na lang ang kasama ngayon ng una.
Sa bagong ng trending na series, sasamantalahin ni Doc RJ na wala si Moira saa kanilang bahay.
Maglalaan siya ng oras para maka-bonding ang kanyang anak kay Lyneth (Carmina Villarroel) na si Analyn.
Mapapanood na aasikasuhin ni Doc RJ si Analyn at doon muna makikitulog sa bahay ng una ang huli.
Habang excited na maging mas malapit ang loob nila sa isa't isa, darating si Zoey sa kanilang bahay at ikakagulat nito ang pagpunta roon ng batang doktor.
May magawa kaya si Zoey sa desisyon ni Doc RJ?
Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas ngayong Huwebes October 12:
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: