What's on TV

RJ Padilla, gusto ng tahimik na Valentines Day

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 14, 2017 11:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Inang OFW na umuwi mula sa Hong Kong, umabot kaya sa recognition day ng anak?
LTFRB-10 heeds plea to implement taxi flag-down rate hike
Misamis Oriental welcomes Miss Universe Philippines delegates

Article Inside Page


Showbiz News



"Tahimik! Sorry, kasi araw-araw maingay sa bahay. Sanay ako sa mga bata. [Perfect date iyong] tahimik saka nakakapag-usap kayo nang maayos." - RJ Padilla

Ipinagdiwang ni Kapuso comedian RJ Padilla at kanyang asawang si Rosalie Bianca Abdelsayed ang kanilang 5th anniversary bilang magkasintahan noong nakaraang February 12. 

Ginanap ang kasal ng dalawa noong October 18, 2015 pero longtime partners na sila bago pa man ikasal. 

Kamusta naman si RJ sa buhay may-asawa?

"Okay naman. Noong umpisa, medyo gapang-gapang din. Kumbaga, ang mag-asawa kasi, 'yung oras mo, lakad or lahat ng gagawin mo is kailangan, alam ni misis. Dapat halos lahat din ng gawa mo, lahat ng gagawin mo, kasama mo 'yung pamilya," pahayag ng komedyante.

Binago daw ng pagkakaroon ng pamilya ang kanyang pananaw sa buhay. 

"Ako, mahilig ako solo trip eh. Makasarili ako dati! Sabi nga ng mga tao, learning process naman talaga 'yan. 'Pag hindi ka natuto, eh 'yun lang," paliwanag nito.

At dahil Valentines Day, simple lang daw ang plano nilang mag-asawa.

"Siguro kain lang sa labas na hindi kasama 'yung mga bata. Kagulo eh! Magulo!" natatawang sagot nito.

Inilarawan din ni RJ ang magiging "perfect date" para sa kanya.

"Tahimik! Sorry, kasi araw-araw maingay sa bahay. Sanay ako sa mga bata. [Perfect date iyong] tahimik saka nakakapag-usap kayo nang maayos," aniya.

Kabilang si RJ sa cast ng upcoming GMA Telebabad series na Destined To Be Yours. Ito ang unang teleseryeng pagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Bukod kay RJ, kasama din sa cast sina Boots Anson Roa, Lotlot De Leon, Gardo Versoza, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Ina Feleo, Sheena Halili, Dominic Roco, Juancho Trivino, Koreen Medina at Ms. Janice de Belen.

Worldwide ang magiging premiere sa February 27, pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV. Tignan ang availability ng GMA Pinoy TV sa inyong mga lugar at mag-subscribe dito. 

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

Juancho Trivino, inilarawan ang 'perfect date'

Dominic Roco, bilib sa work ethic ni Alden Richards