What's on TV

RJ Padilla, nakaramdam ba ng pagsisisi na inabutan ng pandemic sa Pilipinas?

By Maine Aquino
Published August 13, 2020 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flood control project restitution: Alcantara returns P71M to government
These hotel offerings are perfect for the holidays
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

rj padilla on just in


December 2019 nang bumalik sa showbiz si RJ Padilla pagkatapos niyang mag-migrate sa Australia.

Sa Just In, ibinahagi ni RJ Padilla ang kanyang nararamdaman na dito siya sa Pilipinas inabutan ng COVID-19 pandemic.

Si RJ ay nag-migrate sa Australia at doon nanirahan kasama ang asawa at mga anak. Nagtrabaho rin siya roon bilang licensed fork lift operator.

Nitong December 2019, umuwi sa Pilipinas si RJ para ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

"Ayoko niyan," ang naging tugon ni RJ nang tanungin siya ni Paolo Contis tungkol sa kanyang pakiramdam tungkol sa pananatili sa Pilipinas sa online show na sa Just In.

Biglang namang nagtawanan ang mga kamiyembro ni RJ sa grupong P.A.R.D. na sina Sef Cadayona, Roadfill Sparks, Boy 2 Quizon, Antonio Aquitania

Pagpapatuloy ni RJ, kahit umano mahirap ang sitwasyon ngayon ay nagpapasalamat pa rin siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay.

"Sa nangyayari ngayon kahit papaano nagbibigay pa rin ng grasya ang Panginoon, 'yun naman ang nakakatuwa sa lahat kasi laging nandiyan ang panginoon para sa'yo e. 'Yun naman ang pinakaswabe e."

Dugtong pa niya, malaking tulong ang kanilang grupo, "Natigil 'yung Bubble Gang pero awa ng Diyos nagkaroon ng P.A.R.D. ulit. Eto tayo, nakagawa tayo ng panibago. 'Tapos 'yun pinasok ko na rin gaming ngayon."

Samantala, kinuha na rin ni RJ ang pagkakataong ito para i-promote ang kayang online gaming stream.

"Alam niyo na 'yung mga nagpi-Facebook diyan araw-araw. Napansin ko eto na TV ngayon, e, Facebook, e.

"'Pag nakita ninyo 'yung Mistah Gaming, baka naman... Kahit i-like niyo lang, okay na 'yun. Kung ishi-share ninyo, e, 'di thank you! Thank you, God bless!"


Just In: P.A.R.D, makikipagbukingan at makikigulo LIVE! | Full Episode 13

Just In: Kuwento sa likod ng grupong "P.A.R.D", alamin! | Episode 13