
Bumuhos ang emosyon ng former Bubble Gang star na si RJ Padilla matapos matalo ang kaniyang ama na si Rommel Padilla sa pagkandidato nito sa first legislative district ng probinsiya ng Nueva Ecija.
#Eleksyon2019: Sino sa mga celebrity candidates ang nangunguna sa bilangan?
Base sa huling resulta ng COMELEC Transparency Server, tinalo si Rommel Padilla ng kalaban nito na si Ging Suansing by more than 51,400 votes.
Sa Instagram post ni RJ, sinabi nito na proud siya sa kaniyang ama na ibinigay ang lahat sa kampanya nito.
Saad niya, “Nakakalungkot at masakit tanggapin ang pagkatalo ng aking ama.. pero ako'y natutuwa at ipinagmamalaki ko pa rin ang aking ama @omengq dahil sa sakripisyo niyang ibinigay para sa taong bayan ng Nueva Ecija.
"Mabuhay po kayo, Pa! Isa po kayong insipration sa aming kabataan!"
Dagdag pa niya na miss na miss na rin niya ang kaniyang tatay.
Matatandaan na nag-migrate ang pamilya ni RJ Padilla taong 2017 sa bansang Australia.
“Naniniwala rin po ako na merong mas mahigit pa ang plano ang Panginoon Diyos po sa inyo!! Labyu, Pa!!! And of course I miss you.”