GMA Logo Barriers
Courtesy: Kapuso Mo, Jessica Soho, GMA Public Affairs
What's Hot

Road barriers, pinagkakitaan din umano; kickback sa kada isang metro, mahigit P100,000?

By EJ Chua
Published August 30, 2025 1:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Protesters rally in Denmark and Greenland against Trump annexation threat
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Barriers


Mindset ng mga involved sa korapsyon sa road barriers, ayon kay Mayor Magalong: “Sige lagyan na natin 'yan, 'di naman nakakaintindi ang mga Filipino diyan."

Patuloy na bumubuhos ang pagkadismaya ng napakaraming Pilipino sa usapin tungkol sa umano'y palpak, ghost flood control projects, at iba pang anomalya sa Department of Public Works and Highways o DPWH.

Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, nakapanayam ng journalist na si Jessica Soho si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at dito ay inilahad niya ang kaniyang mga nalalaman at karanasan na may kaugnayan sa isyu.

Bukod sa reflector lights sa kalye o cats' eyes, anti-erosion rock netting, at iba pa, nadiskubre din umano ni Mayor Magalong na mayroong katiwalian sa pagbili at paglalagay ng road barriers.

Tanong ni Jessica kay Mayor Magalong, “Iyong ano rin po pala 'yung barriers, pinagkakitaan?

Ayon sa kaniya, siya mismo ang nakatuklas ng overpricing at kickbacks sa barriers.

Sagot ni Mayor Magalong kay Jessica, “Iyong barriers naman, actually kami 'yung unang-unang pinuntahan ng mga Koreano sa amin. Kaya nagkaroon kami ng proof of concept doon, kaya naglagay kami, wala kaming binayaran doon. Tapos biglang naging dumami na, nagtataka ako dumami na. Only to find out, magkano, nagulat ako kumuha ako ng Detailed Unit Price Analysis (DUPA), tamang-tama mayroong nag-offer sa akin ng DUPA sabi niya, 'Sir kung makakakuha ka ng pondo sa taas, six percent sa'yo.'"

Sabi pa umano ng nakausap ni Mayor Magalong, “Sir, 28 percent 'yung ibabalik natin sa taas, six percent sir sa DPWH, six percent Sir, sa'yo… pirmahan mo na lang. Kami na sir maglalakad lahat, kami na nung magi-install.”

Paglalahad ni Mayor Magalong tungkol dito, “Ang ginawa ko, kinunan ko pa ng picture… para mayroong ebidensya.”

Inilahad din niya na ayon sa nakausap niya ay sa China nila binibili ang barriers at hindi sa Korea.

Pati ang mga presyo at puhunan ay napag-usapan din umano nila, “Bigyan mo nga ako ng Detailed Unit Price Analysis (DUPA), binigyan naman niya ako…”

Ang inilaan na pondo para sa yellow barriers ay nagkakahalaga ng Php121, 330 para sa bawat isang metro ng kalsada, pero ayon sa nalaman ni Mayor Magalong, ang aktwal na presyo nito ay nagkakahalaga lang ng Php20,000.

Sa nabanggit, malinaw na ang kickback sa kada isang metro ay mahigit Php100,000.

Diretso ring ibinunyag ni Mayor Magalong ang pagkakaroon umano ng sobra-sobrang barriers na ayon sa kaniya ay hindi naman na kailangan sa ilang parte ng mga kalsada.

“Ang masama pa, hindi ba dapat nilalagay lang 'yun sa kurbada para atleast protektado, dangerous curve eh nawalan ng control, alam mo sa Marcos Highway pati diretso nilagyan. Pati sa Naguilian Road nilagyan, pati diretso nilagyan. Hindi pa nagsawa na nilagyan, nilagyan din sa kabila, diretso,” paglalahad pa ni Mayor Magalong.

Pahabol pa niya, “Nakakainsulto na, 'yung, 'Sige lagyan na natin 'yan 'di naman nakakaintindi ang mga Filipino diyan,' parang ganon ih, nakakainsulto.”

Samantala, patuloy na tumutok sa Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo, 8:15 p.m. sa GMA Network.

RELATED GALLERY: KAPUSO MO, JESSICA SOHO MOMENTS