What's on TV

Roadfill on how 'Bubble Gang' changed the life of Moymoy Palaboy

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 1:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Unang sumikat ang lip-syncing duo na Moymoy Palaboy sa YouTube, kung saan umabot sa milyon-milyong views ang kanilang uploaded videos. Ngayon ay mainstays na sina James Obeso at Roadfill Sparks ng top-rating comedy show na Bubble Gang.

Unang sumikat ang lip-syncing duo na Moymoy Palaboy sa YouTube, kung saan umabot sa milyon-milyong views ang kanilang uploaded videos. Ngayon ay mainstays na sina James Obeso at Roadfill Sparks ng top-rating comedy show na Bubble Gang, which is currently on its 18th year. 

"Kami'y natutuwa kasi napabilang kami sa 18th anniversary. Kasi nung naabutan namin 'to, nakasali pa kami sa 13th or 14th. Hindi namin lubos na maisip na hanggang ngayon nandidito pa rin kami, kasama sa mga pinakakuwela na artista," kuwento ni Roadfill nang makapanayam namin pagkatapos ng taping ng kanilang 18th anniversary special sa isang club sa Pasay City.

Ano naman ang masasabi niya sa kanyang mga kasamahan sa show, lalo na kay Michael V.?

"Si Kuya Bitoy is napakamatulungin. Halimbawa kapag nilapitan mo siya, may gusto kang itanong, mga tips, magbibigay siya ng mga idea. 100 percent ng nalalaman niya, ise-share niya sa'yo. Sobrang napakaswerte ko na nakilala ko siya, kasi personal or about sa acting, sa style ng comedy, ang dami kong natutunan sa kanya."

Dagdag pa niya, "Hindi pa rin kami nauubusan ng ideas pagdating sa mga sketches. Si Kuya Bitoy, ang maganda sa kanya, naa-adapt niya ang mga bago ngayon. Hindi siya nag ii-stay sa iisang antas lang ng comedy. Gusto niya laging nagkakaroon ng mga update, upgrades. 'Yun ang naipapayo niya sa amin. May mga bago na rin kaming ginagawa bukod sa lip-syncing. Nakakatulong naman sa amin kasi napakagaling mag-motivate ni Kuya Bitoy. Kumbaga napapataas niya ang confidence level namin. Hindi ka maiilang, at kapag kaeksena mo siya, at medyo nakalimutan mo 'yung line mo, aalalayan ka niya. Bigla siyang susundot para maalala mo. Henyo talaga!"

Roadfill also shared how the show has affected their lives mula nung napasama sila dito. "Ay napakalaki ng pagbabago dahil bukod sa nagbago talaga ang buhay namin physically, kasi dati bahay lang kami, trabaho, ganyan. Ngayon nakakakita na kami ng artista, nakakasalamuha namin, it's like living in a dream hanggang ngayon. Very thankful kami, very blessed, suwerte, positive dito sa trabaho namin."

Nakikita nga daw niya ang dating Moymoy Palaboy sa Bagong Gang ngayon. "Kami kasi nagsimula rin kami na parang wala lang dahil bago lang din kami dati. Ngayon, nakikita namin sila na sobrang natutuwa kasi kasama na rin sila. Nakikita namin ang dati naming naramdaman, natutuwa kami para sa kanila. Very welcome naman sila sa aming gang."

Nang tanungin namin siya tungkol sa mga dapat abangan sa Moymoy Palaboy at sa Bubble Gang, ito ang naging sagot niya. "We're working on it (laughs). Kagaya nung nakaraan, gumawa kami ng lip-syncing pa rin, pero 'yung mga drama naman. Ngayon naghahanap kami ng mga bagong eksena na pang-teleserye na puwede namin i-reenact. Basta abangan nila, may mga bago pa kaming gagawin."

Abangan ang Moymoy Palaboy sa Bubble Gang every Friday, and don't miss its 18th anniversary special on October 18 after GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com