
Naging kapansin-pansin ang chemistry nina Rob Deniel at Maloi ng P-Pop girl group na BINI nang lumapas ang huli sa music video nito para sa kantang “RomCom.” Sa music video, makikitang “bumida” ang dalawa sa ilang sikat na romantic comedy films.
Sa pagbisita ni Rob sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, sinagot ni Rob si King of Talk Boy Abunda nang tanungin nito kung espesyal na ba sa kaniya si Maloi.
Ani Rob, “Friends kami, Tito Boy. Nagkakabatian kami, pero parang tropa.”
Nilinaw din niyang hindi sila umabot sa “ibang tropa.”
BALIKAN ANG PAGTATAPOS NINA COLET AT MALOI NG SENIOR HIGHSCHOOL SA GALLERY NA ITO:
Nagbigay rin ng kaunting detalye si Rob tungkol sa kaniyang buhay pag-ibig. Pagbabahagi ng singer-song writer, may isang babae na pinaasa lang siya sa pag-ibig. Dagdag nito, kaklase niya ito noong highschool.
“Nakikita mo pa rin siya?” tanong ng batikang host.
“Hindi na, hindi na,” sagot ni Rob.
Ngunit masaya naman daw ang buhay pag-ibig niya, at inaming may nililigawan siya, ngunit hindi na nagbigay pa ng detalye.
Pero pag-amin ng Gen Z crooner nang tanungin siya kung mas pipiliin niya ba ang artista o hindi, “Hangga't maaari hindi po sana.”
Aminado naman si Rob na bilang musikero, importante pa rin ang magkaroon ng love life.
Ngunit paglilinaw niya, “Hindi lang siya mahalaga para sa pagsusulat lang, mahalaga siya para ma-experience mo 'yung buhay. And feeling ko, bonus na 'yun na pag na-experience mo 'yung buhay, mas madali kang makakapagsulat, madali kang ma-i-inspire.”
Panoorin ang panayam kay Rob Deniel dito: