GMA Logo rob gomez
source: robgomez.23/IG
What's Hot

Rob Gomez, inaayos na ang gusot sa dating partner na si Shaila Rebortera

By Kristian Eric Javier
Published October 11, 2023 10:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

rob gomez


Sa kabila ng pangungulila niya sa kaniyang mag-ina, pinili ni Rob Gomez na ituon muna ang atensyon sa kaniyang mga proyekto.

Aminado si Rob Gomez na nangungulila na siya sa kaniyang mag-ina, sina Shaila Rebortera at Amelia, nang mahiwalay sila ng dating beauty queen. Paglilinaw naman ng aktor ay inaayos na nila internally ang naging away nila.

“We're facing it, we're trying to fix it internally, keep it away from social media,” sabi ni Rob sa interview niya kay Lhar Santiago sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras.

Dagdag pa ng aktor, “I'm sorry, we live in a world where anyone can say anything about anyone at anytime, so ayoko na lang din ho na dumagdag sa contribution ng ganung klaseng way of thinking.”

Noong August 27 ay nag-post si Rob ng kanilang family photos sa kaniyang Instagram page at sinabing naiintindihan na niya ngayon kung bakit mahirap ibigay sa pamilya ang distansya.

“This is my why, my princess, my queen, my sunshine and my world. My choice everyday, in this lifetime and the next," saad pa nito.

Nag-sorry din Rob sa sagot niyang siya ay single sa nakaraang interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong August 3 nang tanungin siya ng batikang host.

Rob Gomez, nag-sorry sa kanyang mag-ina: 'I can't wait to have you both back in my arms'

Sa ngayon, dinadaan na lang muna ni Rob ang kaniyang pangungulila sa trabaho bilang aktor sa GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag at sa upcoming horror film na Shake Rattle and Roll: Extreme. Dito, inamin ni Rob na naging challenge ang pelikula para sa kaniya, lalo na at siya ay matatakutin.

“Nasa gitna kami ng gubat sa gabi, ng mga 4am, 3am, so ibang experience po talaga, nagtatakutan kami dun,” sabi nito.

Ikinuwento rin ni Rob kung paano nila nalaman na haunted pala ang abandoned school na location ng kanilang shoot.

“May isang gabi na nagshu-shoot kami sa parang abandoned school, and then may staff po and crew na parang nag-pass-pass 'yung story na 'yung school na pinagshu-shooting-an pala namin is a haunted place and my white lady daw na sumusulpot sa stage, e, andun po kami sa stage,” sabi nito.

Dahil dito, sinabi ng aktor na hindi siya pumapayag na wala siyang kasama sa set, at madalas ay nagpapasama siya sa kanyang mga co-stars.

“Nagpapasama ho talaga ako--kay Ate Eva ko, minsan sa co-actors ko--pero madalas may kasama ako. Nakakatakot kasi gabi na tapos wala pang tao,” sabi nito.

TINGNAN ANG IBA PANG KAPUSO NA MAKAKASAMA NI ROB SA SHAKE, RATTLE & ROLL: EXTREME: