
Hindi na nga nag-alinlangan pang sagutin ni Rob Gomez kung sino ang kanyang dream leading lady.
Noong Miyerkules, November 13, ibinuking ng aktor na gusto niyang makatrabaho si Max Collins sa presscon ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, isa sa mga kalahok ng Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.
"I want Max Collins," diretsahang sagot nito.
Dagdag niya, "With her, I want to do action-drama; it is my ideal niche or action-comedy."
Nabanggit niya rin ang iba pang mga aktres na nakatrabaho niya at makakasamang muli sa sa pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
Ikinuwento ni Rob na halos walang nagbago sa pagkakaibigan nila ni Alexa Miro na nakasama niya sa A Girl and a Guy.
"We have been closer than ever," sabi niya.
Pahayag pa niya, "I have so much respect for that girl."
Ibinida niya rin na mas naging close sila ni Jane De Leon habang ginagawa ang Strange Frequencies. Inamin ni Rob na hindi sila masyado nakapag-usap noon sa Shake, Rattle, and Roll Extreme.
"This time, we spent most of the month in a different country, so we got to bond," aniya.
Malapit na mapanood ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, sa direksyon at produksiyon ni Erik Matti at Dondon Monteverde. Ito ay ipapalabas sa Disyembre 25.
Panoorin ang buong official trailer dito: