
Kasabay ng selebrasyon ng Pasko, ibinahagi ng aktor na si Rob Gomez ang ilang mga larawan mula sa binyag ng kaniyang anak na si Amelia na naganap noong December 17.
Sa Instagram, wala namang ibinigay na detalye si Rob tungkol sa kaniyang post tampok ang Christening photos ng kaniyang anak maliban sa caption na, “I love you 3000. TYG.”
Kasama sa larawan na ibinahagi ni Rob ay ang kaniyang ex-partner at ina ng kaniyang anak na si Shaila Rebortera - ang tinanghal na Miss Multinational Philippines noong 2021.
Samantala, matatandaan na nag-post din noon si Rob tungkol sa kaniyang mag-ina kung saan humingi siya ng tawad sa mga ito matapos niyang sabihin sa kaniyang interview sa Fast Talk with Boy Abunda na siya umano ay “single.”
Aniya, “I now understand why distance is the hardest thing to give family. This is my why, my princess, my queen, my sunshine, and my world.
“My choice every day, in this lifetime and the next. You are not an option for me to lose. I can't wait to have you both back in my arms. I'm sorry I said yes to being single when I'm not. For everything. It's all my fault. I love you and Amelia more than anything in the world!”
RELATED GALLERY: Rob Gomez, nag-sorry sa kaniyang mag-ina: 'I can't wait to have you both back in my arms'
Kamakailan, muling pinag-usapan si Rob dahil sa 'di umano'y na-leak na conversation nila ng kaniyang dating co-stars sa Magandang Dilag na sina Bianca Manalo, at Herlene Budol.
Pinabulaanan naman nina Bianca at Herlene ang naturang kumalat na isyu.