GMA Logo Rob Gomez as Joseph Chan
What's on TV

Rob Gomez, magbabalik bilang Joseph Chan sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss'

By Marah Ruiz
Published April 4, 2022 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Rob Gomez as Joseph Chan


Muling mapapanood ang karakter ni Rob Gomez na si Joseph Chan sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss.'

Na-miss niyo ba aktor na si Rob Gomez bilang Joseph Chan sa Mano Po Legacy: The Family Fortune?

Ngayong gabi, April 4, muli siyang mapapanood sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, ang book two ng television adaptation ng iconic film series na Mano Po.

Makikita si Joseph sa isang meeting kasama si Richard Lim (Ken Chan.)


Matatandaan noong pilot episode ng ng show, nagpadala ng birthday gift si Cristine Chan (Sunshine Cruz) mula sa “The Family Fortune,” para kay Alex Lim (Ricardo Cepeda).

Dito ipinakilala sa kuwento na may ugnayan ang Gold Quest ng pamilya Chan ng “The Family Fortune” at Best World ng pamilya Lim ng “Her Big Boss.”

Samantala, abangan din sa episode ngayong gabi ang pagbabantay ni Irene (Bianca Umali) sa nakababatang kapatid ni Richard na si Rachel (Sarah Holmes) at sa boyfriend nitong si Lemuel (Blue Cailles.)

Muli na naman mamaliitin ni Elaine (Marina Benipayo) si Richard at ipapamukha rito na hindi siya kundi ang nakababatang kapatid na si Raven (Teejay Marquez) ang mas karapat-dapat maging CEO ng Best World.

Panoorin lahat ng 'yan ngayong gabi, April 4, sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.