GMA Logo Rob Gomez
What's on TV

Rob Gomez, puring puri ng netizens ang emotional scenes sa 'Lovers & Liars'

By Aimee Anoc
Published December 20, 2023 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Rob Gomez


Basahin ang mga papuring natanggap ni Rob Gomez mula sa 'Lovers & Liars' viewers dito.

Patuloy na umaani ng papuri mula sa manonood ang husay na ipinapakita ni Rob Gomez bilang Joseph sa primetime series na Lovers & Liars.

Bukod sa marami ang aliw sa mga eksena nila ni Polo Ravales sa serye, humanga rin ang manonood sa ibinuhos niyang emosyon nang aminin na sa kanya ni Andrea (Michelle Vito) na siya ang ama ni Kenneth.

Sa episode 15, napanood ang pagpunta ni Joseph sa family pictorial ni Kenneth sa school kung saan ikinagulat ni Andrea. Dito muling tinanong ni Joseph si Andrea kung anak nga ba niya si Kenneth. Hindi na itinanggi ni Andrea ang katotohanan at inamin na kay Joseph na siya ang ama ni Kenneth.

"Nakakaiyak 'yung scene [nina] Rob and Michell Vito," ani ng netizen na si @raulteralgar8967.

"I'm here to appreciate Rob Gomez! 'Yung eyes niya talaga can speak a thousand words... Even during Magandang Dilag series, magaling na siya [talaga]," sabi ni @paultaeza15.

"Oi tumagos ['yung] daddy moment. Naiyak ako do'n," sulat ni @DesmondsSpace.

"Nakakaiyak naman 'yung scene [ng] mag-ama. Tumutulo luha ko," komento ni @melodychanvlogs8796.

"[Sobra 'yung] iyak ko sa family scene nila ni Andrea. Ang gagaling nila lahat," papuri ni @Aiden031.

"Ang ganda ng story na 'to. Naiyak ako sa pag-amin na anak niya at siya ang daddy niya, naka-relate ako dahil single father ako," sabi ni @user-dh7ow3gb4z.

Ngayong alam na ni Joseph na nagkaroon siya ng anak kay Andrea, aminin na rin kaya niya kay Ronnie (Polo Ravales) ang totoo?

Patuloy na subaybayan ang Lovers & Liars, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telababad.

BASAHIN ANG ILANG PAPURI NG MANONOOD SA LOVERS & LIARS SA GALLERY NA ITO: