
Sa gitna ng mga makukulay na dekorasyon at malamig na simoy ng hangin, isa lamang ang tanging hiling ng aktor na si Rob Gomez.
Tutok man ang aktor sa kanyang pelikulang Strange Frequencies para sa Metro Manila Film Festival (MMFF), umaasa itong magkaroon siya ng reunion kasama ang kanyang anak na si Amelia.
Noong nakaraang taon, nabalot ng intriga si Rob sa kanilang hiwalayan ng ina ng kanyang anak na si Shaila Rebortera. Ani Rob, humantong na sa korte ang paghingi nito ng legal visitation rights sa anak.
"We're still on court. Trials muna. Pinaglalaban natin ang oras natin," sabi ng aktor.
Ipinasa-Diyos na lamang ni Rob ang sitwasyon na sana mapabilis ang pagbuo ng desisyon ng mga kinauukulan. Dagdag nito, "As soon as possible, before Christmas po sana."
Ngayong Pasko, mapapanood si Rob kasama sina Enrique Gil, Jane De Leon, Alexa Miro, MJ Lastimosa, Raf Pineda, at Ryan "Zarckaroo" Azurin sa Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ang kauna-unahang meta-found footage horror film ngayong MMFF.
Kilalanin ang cast ng Strange Frequencies dito: