GMA Logo Robb Guinto on Pepito Manaloto
What's on TV

Robb Guinto, masaya na big stars ang nakakatrabaho sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published April 25, 2025 10:00 AM PHT
Updated April 25, 2025 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Robb Guinto on Pepito Manaloto


Kilalanin pa natin nang husto ang pinagseselosan ni Elsa (Manilyn Reynes) na si Vanessa played by VMX star Robb Guinto.

Napangiti ang VMX star Robb Guinto sa pagkakataon na nabigay sa kaniya na makasama sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes.

Gumaganap siya bilang sexy babe na si Vanessa na nakilala ni Pepito sa isang bikini bar.

Big opportunity rin kay Robb na makasama siya sa anniversary and summer special ng flagship sitcom na mapapanood ang first part sa darating na Sabado, April 26.

Sa panayam sa sexy comedienne, malaki raw ang pasasalamat niya sa Pepito Manaloto team sa tiwala na ibinigay sa kaniya.

Sabi ni Robb, “Sobrang happy po ako lalo na ganito na sunod-sunod ako na lumalabas ngayon sa Pepito. Of course, nagpapasalamat din ako sa ibinibigay nilang tiwala sa akin, especially 'yung karakter na binigay nila sa akin.”

Dagdag niya, “Sa totoo lang nakakapanibago sa akin, kasi, lalo na mga big artist na 'yung nakakasama ko ngayon. Sobrang gaan nila katrabaho and nakakakuha ako sa kanila ng mga tips about acting and of course nakakakuwentuhan ko sila.”

Ano naman kaya ang memorable moment niya kapag nasa taping ng Pepito Manaloto?

“Lahat memorable sa akin, lahat memorable 'yung mga shoots namin kasi first time ko makasama sa ganito klaseng show dito sa GMA. Kaya lahat dito memorable and sinusulit ko,” sagot niya.

Bukod sa Pepito Manaloto, napanood na rin si Robb sa longest-running gag show na Bubble Gang at sa GMA Prime series na Mga Batang Riles.

RELATED GALLERY: 15 actors who appeared on 'Pepito Manaloto'