
Bago pa man pasukin ni Robb Guinto ang entertainment industry bilang sexy actress, aminado ang aktres na marami na siyang natanggap na indecent proposals.
“Before I entered showbiz, meron po, mga indecent proposal. Ano pa lang po ako, model pa lang po ako noon. Yung parang biglang may magbibigay ng calling card. 'Tapos, may magcha-chat, ganiyan. 'Tapos sasabihin, 'Pwede ka bang ilabas?' mga ganu'n pong salita. 'Tapos, parang may mag-o-offer, mga ganu'n,” sabi ni Robb sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, March 26, kasama ang boyfriend na si Yasser Marta.
Sabi ng aktres, hindi naman niya pinapansin at in-e-entertain ang mga ganoong proposal dahil kapag ginawa niya, para kay Robb, ay interesado rin siya.
“Kaya ako, ang ginagawa ko po, nire-reject ko po talaga siya,” sabi ni Robb.
Nagbigay rin ng saloobin si Robb tungkol sa paningin sa kanilang sexy stars ng ibang tao.
Aniya, “Sobrang hirap kasi parang ang nagiging tingin sa 'min, 'Ano ba 'to? Pakawalang babae ba 'to?' Na parang ganu'n kabilis n'yo nakikita 'yung isang tao na parang candy na pwede mong bilhin lang?”
ALAMIN KUNG PAPAANO NAG-REACT ANG ILANG CELEBRITIES SA INDECENT PROPOSALS SA KANILA SA GALLERY NA ITO:
Pagdating naman sa mga komento na nagiging bastos na, inamin ni Robb na minsan ay pinapalagan niya ito, lalo na at napupuno rin naman siya.
“Kapag alam ko na sobrang below the belt na 'yung mga sinasabi ng tao, talagang pumapatol ako. Minsan nga, sabi ko sa kaniya [Yasser, 'Sagutin mo 'yan! Sagutin mo 'yan! Gusto mo, ako na sumagot?!'”
Sabi naman ni Yasser, ayaw na niyang pag-aksayahan pa ang mga ganoong tao kaya hindi na niya pinapatulan.
Pagdating naman kay Robb, bilib daw ang aktor dahil kayang ipagtanggol ng girlfriend ang sarili.
“Mas malakas pa nga siya sa 'kin, e. Kaya ako, hindi ako natatakot na hayaan ko siya o iwanan ko siya sa isang lugar kasi alam kong kayang-kaya niya 'yung sarili niya,” sabi ni Yasser.
Pero paglilnaw ng aktor, “Pero ako, lagi ko siyang pinoprotektahan kung ano'ng pwede kong gawin para makatulong sa kaniya, Tito Boy.”
Panoorin ang panayam kina Robb at Yasser sa video sa itaas.