
"Mahirap ligawan ito noong bata."
Ito ang inamin ni Robert Ortega sa Sarap, 'Di Ba? nang maging guest sila sa birthday episode ni Carmina Villarroel.
Kasama pa sa episode na ito ang dati na ring naka-loveteam ni Carmina na si Jeffrey Santos.
RELATED GALLERY: Carmina Villarroel celebrates 49th birthday with an intimate party
Ayon kay Robert, nagkatrabaho sila ni Carmina sa unang pagkakataon sa pelikulang Pinulot Ka Lang sa Lupa noong 1987. Pagbabalik-tanaw ni Robert, pinag-isipan niya noon na ligawan si Carmina.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Saad ni Robert, "Pinag-isipan ko rin, inaamin ko."
Natatawang dugtong pa ni Robert, "Ang hirap ligawan kasi noong bata siya, ang taray taray."
Sinundan din ito ng ilang kuwento ni Robert kina Carmina at kina Mavy at Cassy Legaspi.
"Tapos laging nasa likod ng Tita April mo at ni Tita Menchu, at si Tita Rhea n'yo nakatago sa likod 'yan. Paano mo lalapitan 'to, bantay sarado."
Tanong naman ni Carmina habang sila ay nagre-reminisce ng kanilang buhay showbiz, "Hindi naman tayo nag-away away?"
Sagot ni Robert ay may tampuhan pero hindi katulad ngayon na may social media.
"Tampuhan, marami. Pero noong panahon namin, kami lang nag-uusap usap. Ngayon kasi 'pag nagtampo, itu-tweet. Kaya lumalaki 'yung gulo. Noong panahon namin, walang ganoon, hindi lumalaki ang gulo."
Panoorin ang kuwentuhan nila rito:
SAMANTALA BALIKAN ANG EXPERIENCE NI CARMINA VILLARROEL SA MANILA FAN MEET NI KIM SOO HYUN: