What's Hot

Robin at Rommel, nagsalita na about BB Gandanghari

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 10, 2020 1:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pictorial ng much awaited Carlo J. Caparas’ Totoy Bato, nakapanayam ng Startalk ang controversial na Padilla brothers about their new sho
Sa pictorial ng much awaited Carlo J. Caparas’ Totoy Bato, nakapanayam ng Startalk ang controversial na Padilla brothers about their new show at about their brother Rustom Padilla a.k.a BB Gandanghari.stars
Sinabi ni Robin Padilla na noong nakaraang holiday season, hindi niya nakasama ang kanyang pamilya sa Australia but at least he was able to spend it with his mom and brothers. “Wala lang si Binibining Gandanghari nun. (laughs) Wala nasa Amerika siya absent siya nun. Ang kasama lang namin, kaming magkakapatid. Nasa Amerika si Rustom (Padilla),” ang pahayag ng ‘Bad Boy’ of Philippine cinema. Tungkol sa news na “patay” na si Rustom Padilla, may panawagan naman si Rommel Padilla sa kapatid. “Namatay si Rustom, parang nagulat ako dun. Nung una ang sabi ko nga, ‘Parang hindi yata si Rustom ‘yung pwede magsabi nung ganun. Dahil siyempre kilala ko ‘yung kapatid namin. Pero siguro nagkamali lang ng pagkaka-bitaw ng salita. Oo sa palagay ko dapat niyang [baguhin], dahil hindi nga maganda pakinggan. Dahil namatay, parang bad vibe kaagad, di ba? Siguro mas maganda kung sinabi niyang yung pangalang ‘Rustom’ erase na lang natin, and then ipasok natin yung ‘BB’ ‘yun ‘yung gusto niyang mangyari ngayon. Siguro mas maganda ganun na lang.” Pero nilinaw naman ni Rommel na sinusuportahan naman niya ang kanyang kapatid sa kaniyang desisyon. stars
“Nag-usap kami [sa telepono] so biniro ko siya, ‘Oh BB, aba, hindi ka na pala Padilla ngayon!’ (Laughs) Tawa lang siya ng tawa. ‘Yun nga, nasa Hong Kong siya, namimili yata ng gamit. Sabi ko sa kanya, ‘Masaya ako para sa iyo at napakaganda mo!’ Hangga’t maganda ang pakiramdam niya, hangga’t sa palagay niya ‘yun ang sinisigaw ng puso niya, then go ahead, kami nandito lang.” Idinagdag din ni Robin na natanggap na ng kanilang ina, si Mommy Eva Carino Padilla, ang desisyon ni BB. “Bilang magulang, kahit naman ako, kaligayahan ng anak mo muna, ‘yung pansarili, pangalawa na lang yun. Importante palagi, pagka may pamilya ka na, ‘yung anak mo. Kapag masaya ang anak mo, masaya ka,” ang sabi ni Robin. At bago magtapos ang interview, may hiling lang ang magkapatid kay Bebe: “BB, sana nga mai-rephrase mo yung sinabi mo na ‘yung si Rustom Padilla eh parang pumanaw na(watch Chika Minute video),” ang sabi ni Rommel. “Keep it up! Enjoy life, live, laugh and love, ‘yun lang. Basta BB Gandanghari, Padilla pa rin, Padilla pa rin.” Pwede ka ring humingi ng update about Totoy Bato kay Robin thru Fanatxt. Text ROBIN [Your Message] Send to 4627 for Smart and Talk 'N Text subscribers. Each Fanatxt message costs PhP2.50. This service is only available in the Philippines.