Article Inside Page
Showbiz News
Painit na nang painit ang mga eksena sa ‘Totoy Bato’ at ipinapakita ni Robin Padilla ang mga natutunan niya from the Igoratak team from Baguio.
Painit na nang painit ang mga eksena sa ‘Totoy Bato’ at ipinapakita ni Robin Padilla ang mga mixed martial arts na natutunan niya from the Igoratak team from Baguio. Ang nasabing grupo ay binuo ng namayapang young actor na si Marky Cielo. Thankful at vocal sa support na ibinigay ni Marky noong nabubuhay pa ito, Robin talks about his young friend and the Igorotak. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio
Nagsisimula pa lang mag-training si
Robin Padilla para sa
Totoy Bato, ibinalita na niya na he was training with a team of Igorots organized by the late
Marky Cielo. Matatandaan na naging close ang young actor sa action star mula noong nagkasama sila sa
Till I Met You,
Asian Treasures, at
Joaquin Bordado.

“Ang mga Igorot ay nandirito kasi sila ang kasama kong nag-training," ang paliwanag ni Robin. "Lahat kasi 'yan, champion sa iba’t-ibang martial arts, eh. Noong nakiramay ako kay Marky noong siya ay pumanaw, nakilala ko lahat sila.”
Idinagdag pa ni Robin kung paano nga ba napasok sa showbiz ang Igorotak at kung ano ang partisipasyon niya dito.
“Sinabi ko sa kanila noong nabubuhay pa si Marky na sa kanya ko ipinangarap na ilipat 'yung pagiging action star kasi magaling kumilos 'yung batang ‘yun. Kung natatandaan ninyo lahat ng project ko, kasama ko si Marky. Mula nang lumabas ako, kasama ko si Marky—talagang lagi ko siyang kinukuha. Kaya nang pumanaw siya, kinausap ko itong mga Igorot, sabi ko, ‘Ituloy natin 'yung inumpisahan ni Marky. Huwag kayong mahiya, ilabas ninyo 'yung talento ninyo.’ Kaya kasabay ko silang nag-training at hindi naman ako napahiya. Noong binautismuhan sila ni Direk Mac (Alejandre) ng mga eksena, eh talaga namang magaling [sila].”
Mapapanood natin ang galing ng mga katutubong ito sa
Totoy Bato weeknights right after
24 Oras sa GMA Telebabad.
Maaari mo nang hingan ng update si Robin about
Totoy Bato through his Fanatxt service. Just text ROBIN to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50. (This service is exclusive for Smart and Talk 'N Text subscribers in the Philippines only.)