
Nais ng Senado na imbestigahan ang sexual harassment complaint ng isang artista sa GMA Network.
Ito ang inihayag ni Senador Robin Padilla sa plenary session kahapon, August 5. Ang imbestigasyon ang pamumunuan ng Senate Committee on Public Information and Mass Media.
Ayon sa ulat 24 Oras kagabi, walang binanggit na pangalan ang Senate chairperson na si Robin ngunit nais niyang mabigyang-linaw ang iskandalo na nangyari noong nakaraang buwan. Kaya ipapatawag nila ang mga kinatawan ng network sa pagdinig.
"'Di po natin sinasabi na may sabit dito ang GMA-7. Hindi po. Ang sinasabi po natin dito kailangan magkaroon ng malinaw na pagpapaliwanag sa committee ng mass media ang naganap na ito. Sapagkat ito po ay public information," madiin sinabi ni Senator Robin.
Ayon naman sa GMA Network, nakikipag-ugnayan na ito sa komite at kumpirmang magpapadala ng kinatawan sa pagdinig.
Kamakailan lang, kinumpirma rin ng 24 Oras na naghain ng reklamo ang Sparkle artist na si Sandro Muhlach sa National Bureau of Investigation o NBI. Ito ay reklamo sa dalawang indibidwal na hindi pinangalanan ng NBI.
Naghain din ng reklamo si Sandro sa GMA Network laban sa dalawang “independent contractors” na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Naglabas kaagad ng official statement ang GMA Network na mabilisang sinimulan nila ang imbestigasyon. Umaksyon na kaagad sila nang nalaman ang reklamo, bago pa ito kumalat sa social media.
Ayon sa network, "Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its investigation even before receiving the formal complaint,”
Dagdag din nila. “Respecting Sandro's request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion."
Samanatala, naglabas naman ng pahayag ang legal counsel nina Jojo Nones at Richard Cruz na si Atty. Maggie Abraham-Garduque tungkol sa hinaharap na reklamo ng kaniyang mga kliyente.
Sabi ni Atty. Garduque, “Our clients are deeply saddened by the serious allegations hurled against them circulating on social media. And though these allegations do not mirror the true accounts of the event, we would like to reserve the right to respond in a proper forum when we receive a copy of the formal complaint.”