Celebrity Life

Robin Padilla, may mensahe sa father-in-law matapos ang 8 taon at higit 3 visa applications

By Marah Ruiz
Published December 26, 2018 3:42 PM PHT
Updated December 26, 2018 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



HIndi pinalagpas ni Robin Padilla na batiin at magbigay ng mensahe sa ama ng asawang si Mariel Padilla matapos ang ilang taon na pagsubok makilala ito ng personal.

Sa wakas, nakilala na rin nang personal ng aktor na si Robin Padilla ang ama ng kanyang asawang si Mariel Padilla.

Robin Padilla
Robin Padilla

LOOK: Robin Padilla meets Mariel Rodriguez's dad for the first time

Naka-base kasi sa Amerika ang pamilya ni Mariel, kabilang na ang kanyang amang si Abelardo Termulo.

Sa isang salu-salong inihanda ni Mariel para sa pagbisita sa Pilipinas ng kanyang pamilya nagkita sa unang pagkakataon ang mag-biyenan.

"After 8 years @robinhoodpadilla and my Dad finally meet ️️️ my heart is full. Thank you so much to everyone in my family for being so supportive of this moment. It means so much to me," sulat ni Mariel sa kanyang Instagram account.

"My 2018 is complete. I have been waiting for this day for 8 years... thank you God for giving it to me," dagdag pa niya.

After 8 years @robinhoodpadilla and my Dad finally meet ❤️❤️❤️ my heart is full. Thank you so much to everyone in my family for being so supportive of this moment. It means so much to me. Thank you to @drmtpehuber @tedmatthew for representing the Padilla family since most are out of town i truly appreciate it 😊 food was perfect @chefflorabel thank you to the @florabel.ph team. 🙌🏼 as usual you have exceeded my expectations with food quality, presentation and service. my dad liked the halo halo the most. He said he missed it. Big big thanks to @bigalscookiejar for sending your latest party food cart big als sorbets!!!! 👏🏼 Everything you guys make is from your heart and it always reflects on your products... congratulations it was a big hit!!! My 2018 is complete. I have been waiting for this day for 8 years... thank you God for giving it to me. 💕

Isang post na ibinahagi ni mariel padilla (@marieltpadilla) noong

Lubos ding ikinagalak ni Robin ang pagkakataong makilala ang pamilya ni Mariel, lalo na ang ama nito.

"Sa ngalan ng Allah ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Sa Nag iisang Panginoong maylikha lamang ang pagpupuri. Isang napakahalagang tagpo sa aking buhay ang naganap at natupad nitong kapaskuhan God is great !!! Pagkatapos ng higit sa 8 taon na paghihintay at mahigit na tatlong visa application sa US Embassy upang makilala at hingin ang kamay ni mariel sa kanyang Ama na si Ginoong Abelardo Termulo ay nakapag MANO na rin ako sa kanyang kanang kamay at marinig ang kanyang bilin at pagsanggayon sa aking mga Hangarin sa kanyang mahal na Anak GOD is great," sulat niya.

"Isa pong karangalan ang makamayan kayo sir Abelardo Termulo idol ko po kayo sa inyong pakikipagsapalaran sa Dayuhang Bansa ng Estados Unidos 🇺🇸 ang inyong sipag at tiyaga lalo sa pagiging isang Ama at isang Anak ay inspirasyon sa mga kalalakihan ng las islas Pilipinas 🇵🇭 Mabuhay po kayo DAD! Salamat po sa pagpaparamdam sa amin lahat ng tunay na mensahe ng Pasko. Mula sa inyong anak na muslim Maligayang Pasko ko po sa inyo at sa buong Pamilya ng Termulo. Glory be to God/SubhanaAllah," pagpapatuloy ni Robin.

Sa ngalan ng Allah ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin. Sa Nag iisang Panginoong maylikha lamang ang pagpupuri. Isang napakahalagang tagpo sa aking buhay ang naganap at natupad nitong kapaskuhan God is great !!! Pagkatapos ng higit sa 8 taon na paghihintay at mahigit na tatlong visa application sa US Embassy upang makilala at hingin ang kamay ni mariel sa kanyang Ama na si Ginoong Abelardo Termulo ay nakapag MANO na rin ako sa kanyang kanang kamay at marinig ang kanyang bilin at pagsanggayon sa aking mga Hangarin sa kanyang mahal na Anak GOD is great. Napakarami nating pangarap sa buhay ngunit minsan ay hindi yun napagkakaloob sa atin kahit ginawa na natin ang lahat upang makamtan ito hindi dahil ipinagkakait ito sa atin ng DIOS/ALLAH/ELOH/JEHOVAH/YAHWEH kundi batid niya na may mga bagay na hinihingi tayo sa kanya na hindi makabubuti sa atin kaya ipinagpapaliban niya ang pagpapala nito kadalasan ay papalitan niya ito ng iba na may mas higit na kaligayahan at kasiyahan na makakabuti sa atin God willing Maraming maraming salamat sa lahat ng tao na gumawa ng paraan upang maging masaya at matiwasay ang pagbisita ng aking Father In Law sa lupang sinilangan. Isa pong karangalan ang makamayan kayo sir Abelardo Termulo idol ko po kayo sa inyong pakikipagsapalaran sa Dayuhang Bansa ng Estados Unidos 🇺🇸 ang inyong sipag at tiyaga lalo sa pagiging isang Ama at isang Anak ay inspirasyon sa mga kalalakihan ng las islas Pilipinas 🇵🇭 Mabuhay po kayo DAD! Salamat po sa pagpaparamdam sa amin lahat ng tunay na mensahe ng Pasko. Mula sa inyong anak na muslim Maligayang Pasko ko po sa inyo at sa buong Pamilya ng Termulo. Glory be to God/SubhanaAllah

Isang post na ibinahagi ni robin padilla (@robinhoodpadilla) noong

Matatandaang ikinasal sina Robin at Mariel noong 2010 sa isang pribadong seremonya sa India.

Ipinanganak naman ni Mariel ang kanilang anak na si Maria Isabella sa Amerika noong 2016 pero hindi siya nasamahan ni Robin dahil sa ilang isyu sa kanyang visa application.