What's on TV

Robin Padilla, nahihirapang makitang humihina ang ina

By Kristian Eric Javier
Published October 29, 2025 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

robin padilla


Mahirap para kay Robin Padilla na makita ang dating malakas na inang si Mommy Eva na nanghihina.

Masakit para kay Robin Padilla na makita ang kaniyang ina na si Lolita Eva Cariño o Mommy Eva, na dating malakas at matibay, na nanghihina na at hindi na nakakaalala.

Sa pagbisita niya ng asawa niyang si Mariel Padilla sa Fast Talk with Boy Abunda, binalikan ni Robin ang mga baon niya mula sa kaniyang ina. Isa na rito ang pagiging matibay ng kaniyang ina.

"Ganun po kami pinalaki ng nanay namin, kailangan maging matibay kayo kasi yung tatay namin po, politician po siya, e. Local siya, once a month lang namin siya nakikita, so nanay namin ang aming tatay at nanay,” sabi ni Robin.

Dahil umano dito ay hindi silang magkakapatid pwedeng uupo na lang at iiyak sa isang tabi kapag may dumating na problema.

“Iba po si mama, kaya masakit sa amin ngayon na nakikita namin 'yung mama namin na mahinang-mahina. 'Tapos, meron siyang demetia kasi, e. Minsan nakakalimutan niya kung sino siya, nakakalimutan niya kung nasaan siya,” sabi ni Robin.

Pagbabahagi pa ng aktor, masakit din sa kaniya na ang mga masasakit na nakaraan lang ang naaalala ng kaniyang Mommy Eva.

“Mahirap kasi, Tito Boy, kapag nakikita mo 'yung nanay mong matibay matigas, tapos makikita mo siya na helpless. Mabigat,” sabi ni Robin.

BALIKAN ANG PAGDIRIWANG NG KAARAWAN NI MOOMY EVA NOONG 2018 SA GALLERY NA ITO:

Puno naman ng pang-uunawa si King of Talk Boy Abunda lalo na at naranasan din niya ito sa kaniyang ina.

Pagbabahagi ni Mariel, mayroon ding dementia ang ina ng batikang host at dahil mahilig itong maglakad-lakad, pininturahan umano ni Boy ang bahay nila ng kulay orange para maalala ng ina kung saan siya nakatira.

“Naiintindihan ko rin 'yung mga hindi magagandang bagay ang naaalala na naranasan namin iyan magkapatid at ipinapaliwanag ko nga sa kapatid ko, dahil I spent more time with my mother dahil nasa probinsya nga sila,” sabi ni Boy.

Kaya naman, paalala ng tinaguriang King of Talk sa mga kabataan, “Take good care of your parents kasi pagdating ng panahon, sana kakaunti ang naaalala nilang hindi maganda.”

Samantala, ibinahagi rin ni Robin na ilan sa magagandang alala ng kaniyang ina ay Pasko kaya kahit muslim at hindi ito ipinagdiriwang ay ipinaparanas pa rin niya ito sa ina dahil dito ito masaya.

“Kaya minsan inaano ako ng mga brothers and sisters, 'Bakit kailangan, e muslim ka, wala tayong pasko?' Wala akong magagawa, 'yun 'yung panahon na masaya si mama,” sabi ni Robin.

Panoorin ang buong panayam sa video sa itaas.