Article Inside Page
Showbiz News
Kung maganda ang ratings ngayon ng nasabing show, dahil na rin ito sa efforts ng buong produksiyon, at lalo na dahil sa unfailing dedication ng lead star nito.
Kasalukuyang umaani ng high ratings ang ‘Totoy Bato’ sa prime time. Dahil na rin ito sa napakalaki at mala-pelikulang produksyon, at siyempre, sa efforts ng mga artista na talaga namang pinaghandaan ang pagbabalik ni Totoy Bato lalung-lalo na ang lead star na si Robin Padilla. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.
From 140 lbs, kinakailangan ni
Robin Padilla na magdagdag ng timbang to prepare for the role of Carlo J. Caparas’s legendary comicbook character,
Totoy Bato. Umakyat si Robin sa Mt. Pulag sa Benguet Province to train and gauge kung ready na nga ba siyang i-portray ang well-loved Pinoy boxer.

"Matagal naman naming pinlano ang pag-akyat ng Mt. Pulag," kuwento ni Robin nang nakausap siya ng press. "Doon na raw kasi mate-test kung handa na ako at okay na ang naging training ko. Kasama naming umakyat sa bundok si Direk Mac Alejandre, mga miyebro ng Igorotak (ang grupong binuo ni
Marky Cielo), mga guides, at ang magaling na photographer na si Jun de Leon na dino-document ang training ko.”
Idinagdag pa ni Robin na umakyat sila ng Mt. Pulag only within a span of four hours:"Takbo kasi halos lahat ang ginawa ko. Wala akong pahinga. Kaya pati mga kasama ko, nahahawa na sa akin. Kung mag-slow down man ako, naglalakad ako ‘tapos tatakbo ulit. Kapag tumigil kasi ako, doon ko mararamdaman ang pagod. Eh, ayokong bumigay sa pagod, kaya tuluy-tuloy ako.”
Ganun kalakas ang stamina at determination ni Robin na maging fit at ready sa physical demands ng role niya.
"'Yung trainer ko nga, hindi makapaniwala sa ginawa ko," ang buong-pagmamalaking pahayag ni Robin. "Siya mismo, gustong sumuko pero dahil nga sa pinakita kong stamina, hindi rin siya tumigil. Nagsimula kaming umakyat, wala pang araw at sobra ang lamig. Nagyeyelo ang paligid namin. Pero nagawa naming abutin ang tuktok ng Mt. Pulag na isa sa pinakamagandang lugar na nakita ko."

Kaya naman ngayon, kahit buong araw mag-taping nang walang pahinga si Robin—which, by the way, iGMA witnessed personally—tuloy-tuloy pa rin ang original Bad Boy ng Philippine entertainment. Parang walang kapaguran ding binubusisi nito ang lahat ng eksena, lalung-lalo na ang kanyang mga action scenes. Siya rin kasi ang fight coordinator ng show.
Kaya naman huwag palamapasin ang
Totoy Bato, weeknights right after
24 Oras sa GMA Telebabad.
Maaari mo nang hingan ng update si Robin about
Totoy Bato through his Fanatxt service. Just text ROBIN to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50. (This service is exclusive for Smart and Talk 'N Text subscribers in the Philippines only.)