GMA Logo Robin Padilla Kris Aquino
Celebrity Life

Robin Padilla, natulungan ni Kris Aquino na manalo sa pagka-senador

Published June 6, 2022 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH defends bid to restore budget: Lower material costs, no projects to bring back
Palompon, Leyte cop found positive for shabu faces dismissal
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Robin Padilla Kris Aquino


Labis ang pasasalamat ni Robin Padilla kay Kris Aquino sa pagtulong nito noong nakaraang eleksyon. Ano nga ba ang ginawa ng actress/host? Alamin dito:

Puno ng pasasalamat para sa tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino ang post ng action star turned politician na si Robin Padilla.

Aniya, kalagitnaan ng campaign period nang mag-alala si Kris sa survey. Kinausap siya nito at tinanong kung ano ang kanyang campagin strategy.

"Sabi ko, conventional lang ako dahil wala naman ako[ng] pera...Sabi ni Kris tutulungan niya ako at ginawa niya kahit sinabi ko na baka makadagdag ng stress niya."

Kuwento ni Robin, tinawagan ni Kris ang mga governor, LGU officials, at mga matataas na tao na may paggalang at malalim na pasasalamat sa mga Aquino.

"Nagtataka ang mga nakakausap niya kung bakit ako nilalakad sa kanila pero sinagot lang niya ito ng 'basta, please, help Robin for me."

Sa tingin ni Robin, ito ang dahilan kung bakit siya nakakuha ng napakataas na boto bilang senador noong nagdaang eleksyon.

"Bukod sa Mine vote ni Mariel, Muslim vote, Marcos loyalist vote, DDS vote, Katoliko vote, Kingdom of Jesus Christ vote, El Shaddai vote, at Iglesia ni Kristo vote, Kris Aquino delivered the Aquino vote for me."

Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Robin sa kaibigan. "Ang ating pagkakaibigan ay hindi naapektuhan ng pulitika bagkus ito pa ang nagbuklod sa atin. Hinding hindi kami makakalimot."

Kamakailan ay nagpaalam sa kanyang followers sa social media si Kris sapagkat kailangan na nitong magtungo ng Amerika upang magpagamot.

Ayon sa statement na inilabas ng kanyang attending physician sa Houston na si Dr. Niño Gavino, mayroong Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA, formerly known as Churg-Strauss Syndrome) si Kris.

Hindi alam kung hanggang kailan ang magiging gamutan ng aktres ngunit nangako si Robin na dadalawin ito oras na mabigyan siya ng U.S. visa.

Samantala, silipin sa gallery na ito ang mga timeline ng pagkakasakit ni Kris Aquino: