
Out of his comfort zone daw ang pagganap ni Kapuso actor Rocco Nacino para sa pinagbibidahan niyang Cinemalaya film na Tirik (To Set Upright).
Sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, present ang aktor sa naganap na gala screening ng kanilang pelikula kung saan pinag-usapan ang kanyang all-out na performance bilang pari na si Bert.
Tampok sa Tirik ang kuwento ni Paring Bert na pupunta sa lamay kasama ang kinontrata niyang taxi driver na si Santos. Pero sa halip na simpleng commute ay mauuwi sa kakaibang road trip ang kanilang biyahe sa gitna ng magulong siyudad sa kasagsagan ng tinaguriang "drug war."
"May ibig sabihin kung bakit may kaunting exposure. May ibig sabihin kung bakit gano'n 'yung pag-cleanse kumbaga, kaya umabot sa gano'n 'yung eksena. Pero iyon nga 'yung sinasabi ko, out of my comfort zone and kailangan talaga sa storytelling," sabi ni Rocco.
Kasama ni Rocco sa Tirik na idinirehe ni May-i Guia Padilla sina Floyd Tena, Chai Fonacier, Jess Mendoza, Glenn Sevilla Mas, Justin Mclaire, Brian Arda, Hershey Neri, Bor Ocampo, at Hope Summer Skye.
Related gallery: Ruru Madrid, Pokwang, at iba pang Kapuso stars na bibida sa Cinemalaya 2026