
Sa kauna-unahang dance battle sa Stars on the Floor 2026, napahanga na agad ang Dance Universe at dance authority noong Linggo, February 21.
Sa naturang episode, kinilala sina Rocco Nacino at Calista Denise bilang 1st top dance star duo matapos nilang maghatid ng swag sa kanilang Open Choreography performance.
Nakalaban nina Rocco at Denise ang mag-duo na sina Chanty Videla at Jeromy ng HORI7ON sa dance-off bilang bahagi ng Top 2.
Matapos ang kanilang pagkapanalo, ibinahagi ng Kapuso Leading Man na proud siya sa kanyang sarili bilang pinakamatanda sa dance stars.
“Natutunan ko na age is just a number. Na-prove ko naman sa sarili ko kagabi na kaya pala,” ani Rocco sa panayam niya sa 24 Oras noong Lunes, February 23.
Dagdag niya, “Pero ang mindset, dapat hindi makampante kasi simula pa lang.”
Sa isang Instagram post, binati rin ni Rocco ang kanyang partner na si Denise.
“We got episode 2! Congrats, partner Denise!” sulat niya sa caption.
“Good start ito pero simula lang ito, gotta keep the fighting spirit hanggang sa dulo!” aniya.
Dagdag pa niya, “Episode 3, Jao and me for Krump! Let's go!”
Abangan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: 'Stars on the Floor' 2026: Meet the celebrity dance stars