
Level up na performances ang natunghayan ng Dance Universe noong Linggo, March 22, sa Stars on the Floor 2026.
Sa naturang episode, kinilalang 5th top dance star duo sina Rocco Nacino at KAIA Sophia.
Naghatid sila ng matinding emosyon sa kanilang contemporary dance performance, na talaga namang nakaantig sa puso ng viewers at dance authorities.
Nakalaban nila sa dance showdown sina Paul Salas at 1st.One Joker, na nagpakitang-gilas sa isang locking performance.
Noong nakaraang linggo, kinilala sina Paul at HORI7ON Jeromy bilang 4th top dance star duo matapos ang kanilang maangas na breaking o b-boy performance.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, mas kilalanin dito ang P-pop dance star na si KAIA Sophia: