
Ibinahagi ng mga Kapuso stars na sina Rocco Nacino at Max Collins ang kanilang mga karanasan sa pagkakaroon ng mga magulang na OFWs, o Overseas Filipino Workers.
Tulad ng mga maraming anak ng mga OFW, hindi raw naging madali para kay Rocco na lumaki na hindi laging nakikita ang kanyang ama.
"As a kid, siyempre hindi ko pa naiintidihan lahat. Bakit kailangan mong umalis dito? It was hard having a father who goes back and forth out of the country," bahagi niya.
"I love you and I'm so proud of you," naluluhang mensahe ni Rocco para sa ama.
Ang laki din ng pasalamat ni Max sa kanyang ina, na bukod sa pagiging OFW, ay isa ring single mother.
"Living in the Philippines, you feel the family warmth. You just feel more at home. I'm thankful that she's given me the strength that I never would have had if it didn't come from her," aniya.
Bahagi sina Rocco at Max ng campaign ng retail giant na Bench para sa mga OFWs.