What's on TV

Rocco Nacino at Melissa Gohing, nagbahagi ng kanilang kuwento bilang mag-asawa

By Maine Aquino
Published March 15, 2021 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hungarian Udvardy says she received threatening messages to lose match
Poblacion's Scratch and Cubao's Best of Luck are opening in this QC township
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino and Melissa Gohing in Sarap Di Ba


Ready na ba magka-baby sina Rocco Nacino at Melissa Gohing?

Kitang-kita ang saya sa bagong kasal na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing.

Sa episode ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition nitong March 13, nagbahagi sina Rocco at Melissa ng kanilang life update bilang mag-asawa sa Legaspi family. Kuwento ni Rocco kina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi, "It's different. Kasi everyday makikita mo siya paggising mo."

Dugtong pa ni Rocco pagkatapos ng kanilang kasal nitong January, marami na silang natutunan sa isa't isa.

"We finally saw how each other sleeps, magkasama kami mag-CR, magkasama kami maligo. Ganon na ang buhay mag-asawa. It's so much fun kasi every day is another opportunity for us to learn more about each other."

Kahit bagong kasal pa lamang sila ay may mga pagkakataon na hindi sila magsasama sa bahay dahil sa kanilang mga trabaho. Aabot ito ng mga ilang Linggo dahil sa safety protocols dahil sa pandemic.

Kuwento ni Rocco, disadvantage man ito, nagiging paraan naman ito para ma-excite siyang umuwi at makita ang kaniyang asawa. "May disadvantage na hindi tayo magkakasama... Excited ako umuwi ngayon and spend time here. Usually kasi gusto ko nasa labas ako e. Ngayon, I always look forward to going home and going home to my wife."

Rocco Nacino and Melissa Gohing in Sarap Di Ba Bahay Edition
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition



Kahit ganito ang sitwasyon suportado naman nila ang isa't isa. Saad ni Melissa, "Understandable. Work is work. We're here to support each other all the time. Nakaka-miss siyempre; mami-miss niyo isa't isa."

Dugtong naman ni Rocco, "Pero kailangan din magtrabaho."

Inalam din ng pamilya Legaspi kung handa na ba sina Rocco at Melissa na bumuo ng kanilang sariling pamilya.

Pag-amin ni Rocco, "Ako 'yung may gustong magka-baby agad. Si Mel ang gusto pang mag-trabaho."

Ayon kay Rocco, ayaw niyang magkaroon ng regrets sa kanilang mga desisyon bilang mag-asawa.

"Sa akin naman, ayoko lang ng may regrets. I want to give her that... kapag talagang sawa na siya sa volleyball and she feels na sapat na 'yung nabigay niya to the sport, doon na kami magbabalak mag-family.”

Sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition ay nagkaroon rin ng episodes kung saan ipinakita ni Rocco ang pagpapagawa niya ng bahay. Sa episode na ito ipinakita ni Rocco ang ilang bahagi ng kaniyang bahay ngayong tapos na ito.

Panoorin ang kaniyang exclusive tour at ang update sa kaniyang bahay sa video ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Balikan ang naging kasal nina Rocco at Melissa sa gallery na ito: