
Espesyal ang episode ng #MPK o Magpakailanman ngayong parating nsa Sabado dahil ito ang 500th episode ng real life drama anthology.
Ang mga Kapuso stars na sina Rocco Nacino at Sanya Lopez ang bibida sa episode na ito para bibigyang buhay ang kuwento ng high school sweethearts na susubukin ng isang matinding karamdaman.
Pinamagatang "My Kidney Belongs To You," gaganap dito si Rocco bilang Philip habang si Sanya naman ang kanyang girlfriend since high school na si Irish.
Kung kailan naman engaged na sina Philip at Irish, dito mada-diagnose ang babae ng chronic kidney disease.
Para madugtungan ang buhay ng kanyang fiancée , made-desisyon si Philip na i-donate kay Irish ang isa niyang kidney kahit tutol pa dito ang kanyang pamilya.
Masasagip ba ni Philip si Irish? Paano susubukin ng karamdamang ito ang relasyon ng dalawa?
Abangan 'yan sa 500th episode na pinamagatang "My Kidney Belongs To You," December 30, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: