Celebrity Life

Rocco Nacino, binalikan ang pagsali sa 'Starstruck' bilang paghahanda sa 'Beautiful Strangers'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 19, 2020 2:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire hits residential area in Caloocan City
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



"There are points where I thought of my journey from 'Starstruck' to where I am now." - Rocco
By MARAH RUIZ

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Lubos lubos ang ginagawang paghahanda ni Rocco Nacino para sa nalalapit na primetime seryeng Beautiful Strangers.

Minsan na niyang naibagahi na nakikinig siya ng isang malungkot na awit para mailagay sa niya ang kanyang sarili sa sitwasyon ng kanyang karaketer na si Noel.

READ: Anong kanta ang nakapagpapaiyak kay Rocco Nacino?

Bukod dito, may pinaghuhugutan din daw siya mula sa sarili niyang karanasan.

"There are points where I thought of my journey from Starstruck to where I am now. Looking and going back and forth between the Rocco before and now," kuwento nito.

Isang self-made man ang karakter niyang si Noel. Mula sa isang talyer, lalawak ang business nito dahil sa sipag at talino. Kaya naman nag-oobserba din daw siya ng mga taong mula sa payak na simula at naging matagumpay kalaunan.

"Marami akong kakilala na rags to riches eh. Tinitignan ko kung gaano sila ka-humble and how dedicated they are to their work. Work is one of their priorities talaga, aside from love life and their family," ayon dito.

WATCH: Rocco nacino in Beautiful Strangers 

Abangan si Rocco sa Beautiful Strangers, August 10 na sa GMA Telebabad.