
Sinusulit ni Rocco Nacino ang bonding moments kasama ang asawang si Melissa Gohing bago muling sumabak sa panibagong lock-in taping para sa upcoming teleseryeng To Have and To Hold.
Sa katunayan, ibinahagi ni Melissa sa kanyang Instagram account ang simple pero sweet nilang picnic date ng aktor.
Sa mga larawan, makikitang abot tenga ang ngiti ng mag-asawa.
Kumpletong-kumpleto ang kanilang picnic date mula banig hanggang basket.
Isang bote ng wine, pizza, croissants, at Danish pastry naman ang kanilang picnic date menu.
Pero ang mas nagpa-meaningful daw sa kanilang date ay walang iba kundi ang corny jokes ni Rocco.
"My tummy was full of gas after having endless laughs with you the whole trip," saad ni Melissa sa kanyang caption. "Thank you for always making me laugh even with your corny jokes, mi amor."
Syempre, nag-reply ang Kapuso actor sa post ni Melissa na hinding hindi raw siya magsasawang patawanin ang kanyang asawa.
"I'll never get tired of being a clown just to make you laugh and have kabag that whole day," comment ni Rocco.
Nag-umpisa ang kanilang long-term relationship noong 2017 at na-engage noong November 2020.
Bilang pagtupad sa pangako ni Rocco sa parents ni Melissa, ikinasal muna ang dalawa bago manirahan sa iisang bubong.
Matatandaang nag-trending ang military wedding nina Rocco at Melissa na ginanap sa isang navy ship sa Pier 13, South Harbor, Manila. Dito ginanap ang kanilang kasal bilang pagbigay-pugay na rin sa pagiging Navy reservist ng Kapuso actor.
Balikan ang kanilang wedding photos sa gallery na ito: