
Kaabang-abang ang episode ngayong June 19 sa Quiz Beh!
Sa bagong episode na ito ay magpapagalingan sa diskarte with online reunion pa ang apat na Kapuso stars na bumida sa Encantadia. Ang makakasama ni Betong Sumaya sa kanyang online show ay sina Rocco Nacino, Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Kate Valdez.
Sino ang magwawagi? Abangan ito sa Quiz Beh! ngayong June 19, 3 p.m. sa GMA Network page at sa GMA Artist Center YouTube channel.