
Pinaghahandaan na ni Kapuso actor Rocco Nacino ang pagdating ng second baby nila ng asawang si volleyball star Melissa Gohing.
Kabilang dito ang paghingi ng parenting advice mula sa mga kaibigan niyang tatay na rin at may mahigit sa isang anak.
"Pinaghahandaaan na so lahat ng mga kaibigan ko na may dalawang anak, kinakausap ko na. Kasi 'yan na 'yun, 'yung magseselos 'yung anak , paano mo iha-handle 'yan," kuwento ni Rocco.
Bukod dito, isa rin sa pinaghahandaan niya ay ang paglalaan ng oras para sa pamilya sa kabila ng busy schedule niya sa susunod na taon.
"I have a lot of projects for 2026 kaya iniisip ko na kung paano ako magse-spend time sa mga anak ko," paliwanag niya.
Three years old na ang panganay nina Rocco at Melissa na si Ezren.
Ibinahagi ng mag-asawa ang good news tungkol sa kanilang second pregnancy nitong nakaraang September.
Lumipad sina Rocco, Melissa, at EZ patungo sa South Korea para sa isang autumn-inspired maternity photo shoot.
SILIPIN ANG DREAMY MATERNITY SHOOT NI MELISSA GOHING DITO:
Samantala, bahagi si Rocco ng upcoming Metro Manila Film Festival movie na Bar Boys: After School.
Sequel ito ng much-loved at critically acclaimed 2017 film na Bar Boys at ire-reprise ni Rocco ang role niya dito bilang si Torran Garcia na isa nang abogado at law school professor.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.