
Handa nang mag-move in sa kanyang dream house si Kapuso heartthrob Rocco Nacino dahil nasa finishing touches stage na ang kanyang ipinatatayong bahay sa Antipolo.
Ayon kay Rocco, ilang taon ang ginugol niya para makaipon ng pampagawa ng pangarap niyang bahay. Dahil nakikita na niya ang bunga ng kanyang pagsisikap at pag-iipon, nagbahagi siya ng ilan sa kanyang mga financial diskarte.
Source: nacinorocco (IG)
“Maraming nag-fail, maraming nagtagumpay, pero 'yung journey doon, 'yun 'yung napakasarap na feeling kapag nasabi mong nakapag-ipon ako.
“'Yung itinuturo ko sa mga kabataan 'wag matakot o maging kampante sa pag-ipon.
“Kung kaya n'yo talaga, lakihan n'yo ang pondo n'yo sa pag-iipon kasi hindi n'yo talaga alam kung kalian n'yo kailangan. Tulad ng nangyayari ngayon sa pandemic,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.
Samantala, kahit hindi pa fully furnished, balak na umano ni Rocco na lumipat dito. At dahil mahilig din siya sa mga gathering kasama ang mga pamilya at kaibigan, isa sa mga inuna niyang ayusin ay ang kitchen.
“Dito ang kuwentuhan kaya ginawa ko siyang very homey like this.
“In the future, 'pag may anak na, isang tawag lang maririnig ako. Hindi siya sobrang layo na kwarto and para ma-maximize rin 'yung hangin dito,” aniya.
Dagdag pa ni Rocco, “Dahil Antipolo siya, marami siyang window para hindi na ako magbayad ng aircon. Marami rin siyang window para ma-enjoy ko 'yung view na mayroon ako.
“'Yung CR ko kasi sa totoo lang, malaki pa 'yung masters shower and CR kaysa sa bedroom. 'Yun 'yung magiging personal space ko.”
Source: nacinorocco (IG)