
Aminado si Rocco Nacino na takot pa siyang bumalik sa pagte-taping ng Descendants of the Sun dahil sa panganib na dulot ng COVID-19.
Sa isang virtual press conference kamakailan, sinabi ng Kapuso actor na kaakibat ng taping ang mass gathering at pagkakaroon ng close contact na maaaring maging sanhi ng pagkahawa sa sakit.
"Napag-uusapan nga din 'yung pagbabalik sa taping.
"In my honest opinion, ando'n 'yung takot ko kasi when you say taping, automatic, mass gathering na 'yan.
"Hindi naman lahat ng kasama ko ay tulad ko na wala pang anak, wala pang pamilya.
"Ako, kaya ko pang mag-taping, pero 'yung iba na may families nga, so that's the scary thing."
Sa palagay ni Rocco, mas mabuting maghintay na lamang na magkaroon ng vaccine bago bumalik sa pagte-taping para sa kaligtasan niya at maging ng kanyang co-stars at mga staff ng programa.
"But ako, kung pwede, kahit walang income, mas okay na maghintay muna. Sure na may vaccine na tayo, may vaccine na lahat.
"But I do miss taping, I miss being in front of the camera."
Dugtong pa niya, "'Yung istorya ng Descendants of the Sun, may sinusundan talaga 'yan e.
"So 'yung mga fight scene, mga scenes na tumutulong kami sa mga barrio, 'yung mga usapan namin is not really following the guidelines already.
"So kunwari, ka-eksena ko si [Dingdong Dantes] o kung sino man, that's already close contact.
"Napag-usapan namin parang nakakatakot din i-risk, masisira din 'yung story, so it's better to wait it out na lang when everything gets better kaya nakakatakot mag-taping."
Plan B
Main source of income ni Rocco ang pag-aartista kaya naman nag-iisip siya ng ibang pagkakakitaan ngayong panahon ng COVID-19 crisis kung kailan suspendido ang mga taping at events.
Bahagi niya, "On the side also, may mga small businesses din ako na tinututukan ngayon at the same time, we wanna help other people and have a little bit of profit. Makaraos lang.
"Pero hindi titigil 'yung pag-ponder, pag-isip kung ano pa ang puwede kong gawin aside from doing tapings, ika nga."
Diin niya, "Ito talaga 'yung time na hahanapin mo 'yung niche mo in terms of marketing and making a business.
"'Yung mga maliliit na Plan Bs ko and also, ito 'yung mga times may time ka sa sarili na puwede mong isipin 'Ano pa kaya ang puwede kong gawin aside from being an actor?'"
Nahihilig si Rocco ngayon sa paglalaro ng online games gaya ng Call of Duty at Mobile Legends kaya minarapat niyang i-monetize ito sa pamamagitan ng Facebook Live streaming.
"[Gaming is one of the Plan Bs] that I have dahil may following naman ang Facebook page.
"Ngayon, I applied to monetize 'yung streaming na ito through games so kahit maliit siya, at least meron."
Bukod pa sa Facebook Live streaming, pinasok na rin ni Rocco at kanyang girlfriend na si Melissa Gohing ang indoor plant business na pinangalanan nilang All About Plants.
Bahagi niya, "So ngayon nag-venture kami ni Melissa into plants business, isa pa 'yon, so malayo siya from me, but it's something new again at pag-aaralan ko."
Rocco Nacino has a reminder for everyone about the "new normal"
Rocco Nacino, may paliwanag kung bakit hindi siya kabilang sa frontliners ngayon
Rocco Nacino, nag-aalala para sa kanyang mga empleyado: "Kailangan na ba namin magsara?"