Article Inside Page
Showbiz News
Nagsisilbing inspirasyon para sa young Kapuso actor na si Rocco Nacino ang mataas na ratings ng dati niyang afternoon soap na
The Good Daughter, lalo na ngayon na muli siyang sasabak sa isang drama series, ang
Yesterday’s Bride.
Nagsisilbing inspirasyon para sa young Kapuso actor na si Rocco Nacino ang mataas na ratings ng dati niyang afternoon soap na
The Good Daughter, lalo na ngayon na muli siyang sasabak sa isang drama series, ang
Yesterday’s Bride.
“Proud ako na sinabi niya [Roy Iglesias, GMA Creative Head] na 10.5 ang
The Good Daughter. Ginagawa ko ‘yun pang-motivate, hindi para ma-pressure para kabahan ako, pero pang-motivate sa sarili ko na gawin ng maayos ang role ko, be professional, at i-enjoy ang trabaho ko,” kuwento ni Rocco sa press during the show’s story conference last October 1.
Malaki rin ang pasasalamat ni Rocco na may workshops na ibinigay sa kanila ang GMA. “Buti may workshop under Ms. Beverly Vergel. Maganda ‘yung pag-prepare nila sa amin. They point out our weaknesses in terms of acting so very thankful ako sa workshop na ‘to. Napaka-productive namin sa workshop, at the same time, maganda siyang way para i-establish ‘yung rapport between the four of us.”
Nang tinanong naman siya tungkol sa mga hindi maiiwasang kissing scenes sa kanilang show, ito ang naging pahayag ni Rocco. “Pagdating sa mga ganyan, ang importante talaga ‘yung relationship namin sa isa’t isa. ‘Yun ang tina-tackle namin sa workshop, kasi si Karel I think medyo mahihirapan ako kasi ngayon ko lang siya makakatrabaho. Si Lovi, kahit matagal na kaming magkakilala, mahihirapan pa rin ako kasi ngayon pa lang ‘yung drama talaga.”
Abangan si Rocco Nacino bilang Justin sa
Yesterday’s Bride, sa October 29 na, after
Eat Bulaga, sa GMA Afternoon Prime.