GMA Logo Rocco Nacino and Kean Cipriano in Fast Talk With Boy Abunda
Sources: nacinorocco/IG, kean/IG
What's on TV

Rocco Nacino, Kean Cipriano, sinagot kung magkano na nga ba ang magpalaki ng anak ngayon

By Kristian Eric Javier
Published December 19, 2025 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Rep. Terry Ridon presscon (Dec. 19, 2025) | GMA Integrated News
#PlayItBack: The GMA Playlist Year-Ender Special
Richard Gomez hits PH fencing prexy's head, alleges favoritism

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino and Kean Cipriano in Fast Talk With Boy Abunda


Para kay Rocco Nacino at Kean Cipriano, "ridiculous" na sa mahal ang sumuporta ng anak at pamilya sa panahon ngayon.

Para kina Bar Boys: After School stars Rocco Nacino at Kean Cipriano, hindi na biro ang magpalaki ng anak at suportahan ng pamilya. Pag-amin ng dalawang aktor sa Fast Talk with Boy Abunda, marami nang kailangan i-factor pagdating sa pagpapalaki ng anak.

“It's ridiculous! At least ako, sa pananaw ko at sa tingin ko sa kaniya dahil parang ang dami mong kailangan i-factor in when raising a child or children, lalo na,” pagbabahagi ni Kean nitong Huwebes, December 18.

Pagbabahagi pa ni Kean, pagdating ng araw na magbahagi ang kaniyang mga anak ng takot nila na maagang magkapamilya, ipapaliwanag niyang hindi iyon ang dapat katakutan nila. Bagkus ang kailangan nilang alalahanin umano ay ang panghabambuhay na responsibilidad nito.

“It's more on responsibility siya na panghabambuhay, there's no way out. So 'yun 'yung katotohanan, Tito Boy kasi siyempre kahit naman kumportable kayo, tuloy-tuloy kayo, makikita mo 'yung mundo, nagbabago everytime, e,” sabi ni Kean.

Samantala, inamin naman ni Rocco na nagre-research na siya ngayon tungkol sa schools kung saan niya ipapasok ang mga anak, habang isinasama ang sitwasyon ng trapiko sa mga konsiderasyon nila.

“Nag-iisp na kami in the future sa'n dadalhin na school 'yung mga anak namin. Ngayon nagwa-wonder kami, baka mas okay ang homeschool dahil nga may mga bullying issues tapos 'yung logistics,” sabi ni Rocco.

Kuwento pa ni Rocco, may mga kakilala pa nga sila na ayaw nang mag-anak dahil sa masamang sistema ng bansa na para sa kaniya ay kailangan pagbutihin. Sang-ayon din dito si Kean na pinuna rin ang “bulok na sistema” sa bansa.

“Siguro, Tito, isang parang mas mabigat din du'n more than 'yung gastos is nakikita mo 'yung bulok na sistema na ginagalawan n'yo ng pamilya mo at 'yun 'yung kinalalakihan n'yo lahat, parang du'n nakaka-dishearten,” sabi ng singer-actor.

RELATED CONTENT: TINGNAN ANG ILANG CELEBRITY DADS NA INE-ENJOY ANG KANILANG FATHERHOOD SA GALLERY NA ITO: