
Bahagi si Kapuso actor Rocco Nacino ng upcoming action-drama series na Hari ng Tondo.
Pagbibidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at primetime action hero Ruru Madrid.
Iikot ang kuwento ng serye sa mga taong hinubog ng Tondo.
Isang kontrabida ang karakter ni Rocco sa serye, bagay daw na ine-enjoy niya habang nagte-taping sila.
Sa katunayan, inilayo raw niya ang sarili mula sa co-stars para mas magampanan pa nang mabuti ang role.
"Nagta-try ako ng something different since ine-enjoy ko 'yung pagiging kontrabida. Nalalaro ko 'yung characters ko. Sabi ko, try ko nga na medyo i-distance 'yung sarili ko sa kanila, baka mailabas 'yan sa character," kuwento ni Rocco.
Aware naman daw dito ang mga katrabaho niya dahil kilala siya ng mga ito.
"Nasabihan din [sila] kaya alam naman nila. Makulit kasi ako ever since. Lalo na kapag kaibigan ko, makulit ako. Talagang lalaruin ko 'yung time na mayroon tayo, makikipagkuwentuhan tayo. Baka lang mawala 'yung essence ng [character]," aniya.
Bukod kina Dennis, Ruru, at Rocco, bahagi rin ng serye sina Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.
Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.
SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG HARI NG TONDO DITO: