GMA Logo Rocco Nacino
What's Hot

Rocco Nacino, magkakaroon ng urban gardening tutorial

By Jansen Ramos
Published June 10, 2020 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Heads up, plantitos and plantitas! Magsasagawa ng isang urban gardening tutorial si Rocco Nacino sa Facebook page ng 'Descedants of the Sun' bukas, June 11, alas siyete ng gabi.

Noong nagsimula ang enhanced community quarantine sanhi ng COVID-19, isa ang pag-aaalaga ng halaman sa nakahiligang gawin ni Rocco Nacino.

Sa katunayan, ginawa pa nila itong negosyo ng kanyang girlfriend na si Melissa Gohing na tinawag nilang All About Plants. Ilan lamang sa kanilang mga ibinebentang produkto ang indoor plants na kinababaliwan ng certified "plantitos" and "plantitas" ngayon.

IN PHOTOS: 10 convenient indoor plants for beginners

Isa sa mga naging hilig ko noong habang naka ECQ tayo ay ang mga halaman. Di ko akalain na napakainteresting pala magalaga ng mga ito. Ipapakilala ko sa inyo ang dalawa sa mga alaga ko. Sa kaliwa, ang Monstera Deliciosia, at sa kanan, ang Monstera Thai Constellation, ang mga kinababaliwan ng mga Plantitas ngayon. At yes, Plantito na rin ako! Kaya nasimulan namin ang @allaboutplantsph ! Kaya bukas sa FB Live ng Dots How to do it, hindi muna si TSG Diego Ramos ang makakausap ninyo, kundi si Plantito Rocco muna! Gulay, herbs, at iba pa na pwede natin itanim sa labas at sa loob ng bahay natin. Pagusapan natin ang mga halaman ko, at kung paano makapagsimula ng sarili ninyong urban garden! Lahat ng gulay sa kantang bahay kubo, pwede nyo itanim. Sabay sabay tayo magpractice kung paano simulan magtanim ng mga gulay sa bahay natin, malaki man o maliit ang lugar ninyo. Kita kits bukas ng 7pm, June 11!

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

Sa Isang Instagram post, sambit ni Rocco, "Isa sa mga naging hilig ko noong habang naka-ECQ tayo ay ang mga halaman.

"'Di ko akalain na napaka-interesting pala mag-alaga ng mga ito.

"Ipapakilala ko sa inyo ang dalawa sa mga alaga ko.

"Sa kaliwa, ang Monstera Deliciosia, at sa kanan, ang Monstera Thai Constellation, ang mga kinababaliwan ng mga Plantitas ngayon."

Sabi pa niya, "At yes, Plantito na rin ako! Kaya nasimulan namin ang @allaboutplantsph!"

Bilang special treat sa kanyang kapwa plant parents, magsasagawa si Rocco ng isang urban gardening tutorial para sa second live broadcast ng 'DOTS How You Do It' sa Facebook page ng Descendants of the Sun bukas, June 11, 7 p.m.

Sa livestream, ipapakita ng aktor ang ilang gulay at herb na pwedeng itanim sa bakuran ng bahay.

"Hindi muna si TSG Diego Ramos ang makakausap ninyo, kundi si Plantito Rocco muna," saad ni Rocco na gumaganap sa papel ni TSG Diego o Wolf sa Descendans of the Sun.

"Gulay, herbs, at iba pa na pwede natin itanim sa labas at sa loob ng bahay natin.

"Pag-usapan natin ang mga halaman ko, at kung paano makapagsimula ng sarili ninyong urban garden!

"Lahat ng gulay sa kantang bahay kubo, pwede nyo itanim.

"Sabay sabay tayo mag-practice kung paano simulan magtanim ng mga gulay sa bahay natin, malaki man o maliit ang lugar ninyo."

Every Thursday ipinapalabas ang online show ng Descendants of the Sun na 'DOTS How You Do It,' kung saan ishine-share ng cast ang kanilang kaalaman sa isang partikular na paksa.

Si Jasmine Curtis-Smith ang unang sumabak sa nasabing online show kung saan nagbigay siyang ilang pet care tips ngayong panahon ng pandemya.

Panoorin: