
Isa rin si Kapuso actor Rocco Nacino sa napaindak sa trending na kantang "Maui Wowie."
Sa isang maikling video na ibinahagi niya sa Instagram, makikita si Rocco na napahawak sa sampayan matapos kumuha ng t-shirt mula rito.
Tila narinig niya ang cover version ni Kapamilya singer Darren Espanto ng awit at simpleng napasayaw dahil dito.
"Kahit saan na lang talaga.. iba magic mo @darrenespanto. #mauiwowie," sulat niya sa caption. Minarapat din niyang i-tag ang account ni Darren sa kanyang post.
Ang "Maui Wowie" ay kanta ni American rapper Kid Cudi mula sa kanyang 2008 debut mixtape na "A Kid Named Cudi".
Trending ito sa TikTok matapos mag-post isang isang user na nagli-lipsync sa kanta habang nakasabit sa isang crosswalk sign at maraming gumawa ng sarili nilang versions habang nakalambitin sa kung saan saan at kung ano anong mga bagay.
Mas lalo pa itong nag-viral sa Pilipinas matapos ang cover version ni Darren kung saan inawit niya ito sa kanyang style na malayo sa orihinal.
Source: nacinorocco (IG)
Samantala, bahagi si Rocco ng upcoming Metro Manila Film Festival movie na Bar Boys: After School.
Sequel ito ng much-loved at critically acclaimed 2017 film na Bar Boys at ire-reprise ni Rocco ang role niya dito bilang si Torran Garcia na isa nang abogado at law school professor.
Busy na rin si Rocco sa paghahanda para sa second baby nila ng asawang si volleyball star Melissa Gohing.
Ayon sa aktor, sinimulan na niya ang paghingi ng parenting advice mula sa mga kaibigan niyang tatay na rin at may mahigit sa isang anak.