
Ngayong 2023, mapapanood ang pangmalakasang mystery drama series na The Missing Husband sa GMA Afternoon Prime.
Kabilang sa bibida sa serye ay ang isa sa Sparkle's prime leading men na si Rocco Nacino.
Tiyak na marami ang makaka-relate sa istorya nito dahil bukod sa iikot ang kuwento ng series sa college sweethearts na sina Anton at Millie, magtuturo rin ito ng napakaraming bagay tungkol sa realidad ng buhay.
Mapapanood din ang ilang scam-related issues na pagdadaanan at kasasangkutan ng ilang karakter sa programa.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Rocco na noong malaman niya ang buong kuwento nito ay nagkaroon siya ng goal bilang aktor at bida sa naturang series.
Kuwento ni Rocco, “Noong nalaman ko 'yung about the show, about the role, I started talking to people na naging victims of ano… scams. At marami akong narinig na horror stories at nakakaiyak pakinggan. Hopefully, sa cast na ito na alam kong lahat ay magagaling, ay talagang makapag-reach out kami [cast] sa kanila [scam victims].”
Gagampanan ni Rocco ang karakter ni Anton, ang katambal ng karakter ng StarStruck alumna at award-winning actress na si Yasmien Kurdi.
Bukod kina Rocco at Yasmien, mapapanood din sa mystery drama series sina Jak Roberto, Nadine Samonte, Sophie Albert, at Joross Gamboa.
Samantala, sagutan at silipin ang poll sa ibaba:
SILIPIN ANG SET NG THE MISSING HUSBAND SA GALLERY SA IBABA: