GMA Logo Rocco Nacino
What's on TV

Rocco Nacino, may napansin sa kanilang 'To Have And To Hold' director na si Don Michael Perez

By Aedrianne Acar
Published September 21, 2021 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Kumusta ang naging experience ng Kapuso primetime actor na si Rocco Nacino with Don Michael Perez na first-time niya maka-trabaho bilang direktor sa 'To Have And To Hold'?

Bukod sa malayo ang karakter niya bilang Gavin sa totoong buhay, bago ring challenge para kay Rocco Nacino na maka-trabaho si Direk Don Michael Perez sa To Have And To Hold.

Sa panayam ng entertainment press kay Rocco sa virtual grand media conference ngayong hapon, September 21, nagkuwento ito kung paano niya binuo ang rapport niya with Direk Don na first-time niya na makatrabaho.

Pagbabalik-tanaw ng StarStruck graduate, “First-time ko po maka-trabaho si Direk DMP (Don Michael Perez), so bago po ako sumalang sa taping nandoon na 'yung of course 'yung trabaho, kung paano siya mag-trabaho. Magka-clash kaya kami?

“Kasi sometimes I do tend to change the script or lines, sometimes not all directors are open to that. So, nag-initiate na talaga ako na makipag-usap kay Direk at mag-establish ng rapport sa kanya para magkaroon kami ng professional relationship pagdating doon sa pag-uusap ng characters kung kelan ako lalapit ako sa kanya for advice.

“And true enough ang dami-dami kong tanong or assumptions sa pag-atake sa eksena na kami po dalawa 'yung nag-usap ay mas napaganda pa ang eksena.”

To Have And To Hold world premiere on September 27

Paano naman siya nag-prepare sa role?

Ani Rocco, “The character is kinda different, kasi newlywed po ako. Bagong kasal ako, nasa cloud nine pa po ako.

“So 'yung character ni Gavin bilang isang workaholic talagang marami nang pinagdadaanan. So, I really had to dig deep and para matulungan ako doon marami ako kinausap na mas nakakatanda na sa akin 'yung tipong mga 30 years ng kasal mga ganun.”

Samantala, nominado si Rocco sa 34th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Television sa kategoryang Best Drama Supporting Actor para sa primetime series niya na Descendants of the Sun.

Gumanap siya bilang Diego Ramos sa soap na ginamanpanan ng Korean actor na si Jin Goo sa original series.

Nakakataba ng puso ayon kay Rocco na ma-nominate uli sa award-giving body.

Matatandaan na nanalo sila ni Sanya Lopez noong 2017 nang makuha nila ang parangal na German Moreno Power Tandem Award.

Wika ng Kapuso actor, “It felt so good para maranasan uli at maramdaman na sinend sa akin ng mga program managers, mga bosses 'yung photo ng nomination. It felt so good to see something na I felt appreciated with Diego Ramos character.

“Malapit na malapit sa akin 'yung Descendants of the Sun kayo nagpapasalamat ako kay God na ginawa niya ganito 'yung hitsura ko kaya nakuha ko 'yung role at kamukha ko si Jin Goo .”

Check out some of the behind-the-scenes moments during the pictorial of the cast in this gallery.

Meanwhile, here are the hotties who are part of To Have And To Hold below.