GMA Logo Rocco Nacino
What's Hot

Rocco Nacino, may paliwanag kung bakit hindi siya kabilang sa frontliners ngayon

By Jansen Ramos
Published June 2, 2020 12:28 PM PHT
Updated June 10, 2020 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Bilang isang navy reservist, pinili ni Rocco Nacino na magserbisyo sa pamamagitan ng paglikom ng mga donasyon at pagbibigay ng inspirasyon para sa mga apektado ng COVID-19 crisis.

Ibinahagi ni Rocco Nacino ang dahilan kung bakit hindi siya nag-volunteer maging frontliner ngayong panahon ng COVID-19 pandemic lalo na at isa siyang navy reservist at registered nurse.

Aniya, pinili niyang magserbisyo sa pamamagitan ng kanyang fundraising campaign na "Food From the Heart" para makalikom ng donasyon at gamitin ang kanyang impluwensya para makapagbigay ng inspirasyon sa gitna ng krisis.

Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng kanyang talent management na GMA Artist Center at kanyang pamilya.

Pahayag ng Descendants of the Sun actor sa isang virtual press conference kamakailan. "Nag-ask din sila if I wanted to be assigned at checkpoints or hospitals, o kung anuman.

"Pero with the recommendation of my management, of course, family ko, mas gusto nila na I do my service as a reservist through doing itong Food From The Heart campaign.

"Paglikom ng donations, paghanap ng connections kung sino pagbibibigyan, gamitin 'yung influence as a celebrity para makatulong sa ibang tao at tanggalin 'yung anxiety nila, and to also give them hope."

"So instead of being physical na i-assign ako, sabi ng Philippine Navy, 'Dito natin kailangan ang influence mo, Rocco.'"

Diin pa ni Rocco, "I mean, that's a bonus na rin, at least hindi ako lalabas.

"As for times na kailangan kong lumabas, I have to take precautionary measures talaga as in naka-alcohol, naka-gloves ako, naka-mask."

Bagamat hindi naka-active duty bilang miyembro ng reserve force, patuloy pa ring tinutupad ni Rocco ang kanyang tungkulin bilang uniformed personnel.

Isa riyan ang paglahok sa feeding program ng Philippine Navy sa mga quarantined marine soldiers at sa pamimigay ng food packs sa mga sundalong frontliner na naka-destino sa mga checkpoint.