GMA Logo Rocco Nacino
Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda
What's Hot

Rocco Nacino, muntikan nang pumasok sa politika pero pinili pa rin ang showbiz

By Aimee Anoc
Published August 15, 2026 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

House budget deliberations to proceed despite Sara Duterte impeachment trial — Abante
Alex Eala on Pacquiao comparisons: 'I'm still very, very far from the levels of Pacquiao'
14 nabbed, 174 rescued in Davao City steel facility raid

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Ibinahagi rin ni Rocco Nacino ang kanyang opinyon sa pagpasok ng mga artista sa politika: "Disagree and can agree."

Ni-reveal ni Rocco Nacino na muntik na siyang pumasok sa politika, pero pinili pa rin ang showbiz.

Sa pakikipagkuwentuhan kay King of Talk Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes (August 14), binalikan ng aktor ang muntikang pagtakbo sa eleksyon.

"Muntik na. May nagyaya na rin. Nagbigay rin po ako ng intensyon. May mga kinausap din po bilang options din ba, pero pinili ko pa rin ang showbiz," sabi niya.

Nang tanungin kung lokal ito sa Antipolo, sagot ni Rocco, "Yes. I wanted to start at the bottom lang naman.

"At makapaglatag ng mga programs siguro for sports, anything medical dahil nga linya ko po 'yon, and anything to help, kumbaga. Nakita ko kasi 'yung potensyal po ng Antipolo, marami pa pong pwedeng ibigay. So, baka bilang doon na ako nakatira, baka makatulong din ako."

Hindi ito itinuloy ni Rocco dahil, aniya, sa kanyang mga proyekto bilang artista.

"'Yung dami ng proyekto na mawawala sa akin po. So parang sayang kasi may pamilya na ako, and maisasantabi muna 'yan."

Ayon pa kay Rocco, sa ngayon ay sarado ang pintuan niya sa pagpasok sa politika.

"For some reason, nabibigyan ako ng mga audition for projects abroad. So kung mangyari po 'yon, ibang klaseng window na po mabubuksan kapag matuloy po 'yon."

Nagbigay rin ang aktor ng kanyang opinyon tungkol sa pagpasok ng mga artista sa politika.

"Disagree and can agree, dahil nga kung kulang ang puhunan sa kaalaman sa public service ay huwag muna. Dapat pinaghahandaan kasi 'yung trust ng mga tao nasa inyo, kayo magli-lead. So dapat mayroon kayong mga bala," sabi niya.

Samantala, isa sa pinagkakaabalahang proyekto ngayon ni Rocco ay ang kanyang pelikulang Tirik, na kabilang sa 22nd edition ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.

Panoorin ang buong interview ni Rocco Nacino sa Fast Talk with Boy Abunda rito:



Related gallery: Ruru Madrid, Pokwang, at iba pang Kapuso stars na bibida sa Cinemalaya 2026