
Kapansin-pansin ang line up haircut ni Rocco Nacino, na parte umano ng role na gagampanan niya sa upcoming GMA action-drama series na Hari ng Tondo.
Isa raw ito sa kanyang mga nagustuhan niya sa pagiging kontrabida. Ngunit dahil din dito ay may ilang proyekto siyang kailangang tanggihan.
Marami akong proyekto na i-hindi. May isa but I have— Di ko pa pwedeng sabihin, but I have a few international projects na willing naman mag-cooperate,” pagbabahagi ni Rocco.
Sandaling nakausap ng GMANetwork.com ang aktor sa launch ng bagong iniendorso ng kanyang kaibigang si Dingdong Dantes, ang Marstek PH, kamakailan.
Kuwento pa niya tungkol sa kanyang role sa Hari ng Tondo, Pasama nang pasama yung character ko dito. Isa akong head ng syndicate na magpapahirap kina Dennis at Ruru. I'm enjoying the role.”
Sa ngayon, sabi ni Rocco, “Sa mga ginagawa kong role ngayon, ine-enjoy ko ang kontrabida era ko.
“Of course, I would like to go back to doing leads. But the freedom to play around with characters, just to explore and be outside of your comfort zone, yun ang nae-enjoy ko rito.”
Wala rin daw siyang pag-aalinlangang maging kontrabida kahit madalas ito ang kinaiinisan ng mga manonood.
Katuwiran niya, “I don't mind. As long as they remember me, that means I'm doing my job well.”
Related gallery: Hari ng Tondo actors meet at story conference
Bago ang Hari ng Tondo, bibida muna si Rocco sa Cinemalaya International Film Festival entry na Tirik. Mapapanood ito sa Shangri-La Red Capet Cinemas, Gateway Ciineplex 18, at Ayala Mall Cinemas simula August 6 hanggang August 18.
Ruru Madrid, Pokwang, at iba pang Kapuso stars na bibida sa Cinemalaya 2026