
Nagsimula na ang Kapuso star na si Rocco Nacino sa taping para sa upcoming film sequel na Bar Boys: After School.
Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang isang video kung saan ipinakita ang clapperboard na nakasulat ang title ng pelikula, at bigla itong kinuha ni Rocco at sinabi, “Guys, pwede bang work tayo?”
“Back from my social media hiatus after a much needed vacation with family. Bar Boys shoot today. Let's go!” sulat naman niya sa caption.
Sa official Facebook page ng Bar Boys, inanunsyo na magbabalik si Rocco sa kaniyang role bilang Torran Garcia na isa nang propesor.
Makakasama rin muli ni Rocco sa naturang pelikula sina Carlo Aquino, Enzo Pineda, at Kean Cipriano.
Kabilang din sa cast sina Glaiza De Castro, Bryce Eusebio, Royce Cabrera, Therese Malvar, Will Ashley, at iba pa.
Ang Bar Boys: After School ay ang sequel ng 2017 film na Bar Boys na directed ni Kip Oebanda.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEAUTIFUL FAMILY NI ROCCO NACINO SA GALLERY NA ITO.