GMA Logo Rocco Nacino
Photo source: Michael Paunlagui
What's on TV

Rocco Nacino, nagulat sa intense rehearsals sa 'Stars on the Floor' 2026

By Karen Juliane Crucillo
Published March 3, 2026 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Krystal Mejes plans to donate part of P500k PBB cash prize
Presyo sa lana, misaka na sab | One Mindanao
How motorists can save on fuel costs as oil prices rise amid Middle East tensions

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Rocco Nacino sa kanyang 'Stars on the Floor' 2026 journey: “Buwis buhay talaga every rehearsal.”

Todo effort si Rocco Nacino bilang isa sa celebrity dance stars sa Stars on the Floor 2026.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Rocco ang isa sa mga struggles niya tuwing may rehearsal para sa kanilang mga performances.

“'Yung memorization, sanay kami from lines. Memorization ng emotions. 'Yun 'yung puhunan namin bilang mga aktor at as a celebrity. So, para ipasa 'yun sa movements sa galaw, sa pagsasayaw, napakahirap para sa amin,” sabi niya.

Para kay Rocco, tuwing rehearsal ay “buwis buhay” ito para sa kanya.

“Na-realize namin, kami ni Jas [Jasmine Curtis-Smith], nagkatinginan kami noong first day na 'Wow, ito pala 'yung Stars on the Floor.' So, buwis buhay talaga every rehearsal,” kuwento niya.

Ibinahagi rin ng Kapuso leading man na nagkaroon siya ng pulikat at bumagsak siya sa sahig sa isang rehearsal, na makikita sa isang clip noong unang dance battle sa naturang programa.

“'Yung napanood ng mga tao kagabi, 'yung bumabagsak ako sa sahig, pinupulikat ako. Totoo 'yun,” aniya.

Itinanghal sina Rocco at Calista Denise bilang 1st top dance star duo matapos maghatid ng isang maangas na Open Choreography performance noong unang dance battle sa Stars on the Floor 2026.

Abangan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.

RELATED GALLERY: 'Stars on the Floor' 2026: Meet the celebrity dance stars